Dark and gloomy. Ako ang nasasaktan sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. Pansin na pansin ko ang pilit niyang pagpipigil sa gustong sabihin. Bubuka ang bibig niya pero maya-maya ay sasara at mag-iiwas ng tingin. Paulit-ulit iyon hanggang sa namataan kong papalapit dito ang isang camera man na kasama namin. Inalis ko ang braso ni Trevor na nakaharang sa dadaanan ko. His other hand held my wrist, putting me back on my earlier position. "Let's talk, please," his hoarse and sad voice warmed my heart. Ang weird, ano? Siguro kasi matagal ko ng hinintay ang pagkakataon na ito. Yung mag-uusap kami. Pero hindi ko maintindihan kung bakit may takot sa dibdib ko. Either masasaktan na naman ako sa mga sasabihin niya o aasa lang sa wala. "Tapos na tayo mag-usap." "Alliyah..." "May parating,

