Chapter 16

1041 Words
Nang umalis siya mula sa hapagkainan kanina ay hindi na siya bumababa pa nagtungo nalang siya sa roof top naiinis siya sa sarili dahil hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman masyado siyang naaapektuhan pagdating kay Namjin. Nasasaktan siya sa tuwing nakikita niya itong nasasaktan, nagagalit siya sa tuwing may lumalapit dito na iba. Kaya hindi na niya mapigilang magalit sa kapatid kanina ng makita niya ng haraprapan ang pagyakap at pagsubo nito sa dalaga at ang kinaiinisan niya ay gustong gusto naman ito ng dalaga nagseselos siya sa mga ginagawa ng kapatid. Dahil gusto niya na siya dapat ang nasa pwesto nito siya dapat ang nakakayakap at nagaasikaso sa dalaga. Napahinto siya sa pagiisip ng balikan niya ang sinabi niyang nagseselos siya napailing iling siya at napasabunot sa kanyang buhok hindi mali lang ang pagkakasabi ko hindi ako nagseselos hindi tanggi niya sa sariling isip. Nandito ka pala kanina ka pa namin hinahanap? Nilingon niya ang dalawang kapatid na si Suga at Rm may dala dala ang mga ito ng inumin. Do you want some we think you need it? tanung pa sakanya ni Suga.Napabuntung hininga nalang siya at inaya ang mga kapatid na umupo sa tabi niya agad naman lumapit ang mga ito at binuksan na nila ang dala nilang maiinum at isa isa nilang nilagyan ang kanya kanya nilang baso. Umamin ka nga samin kuya, gusto mo ba si Namjin tanung ni RM sakanya? Napahinto naman siya sa pagtunga sa ikalawang baso ng iniinum niya sa totoo lang hindi niya alam kung anu ang isasagot sa kapatid dahil pati siya ay naguguluhan pa sa kanyang sariling nararamdaman. Ok lang yan kung hindi mo pa kame masagot sa ngayun pero sana kuya hindi ito ang dahilan ng pagkakasamahan niyo ng loob ni Jk alam mu naman siguro kung anu ang gusto ng bunso natin. Mahirap pala talaga pag tinaman ka na ng pana ni kupido halo halong emosyon ang nararamdaman mo hindi mu rin alam kung gusto ka ng taong nagugustuhan mo natatakot ka din malaman kung anu ka sakanya ang hirap diba Jin? Tanung sakanya ni Suga nagkatinginan naman silang dalawa ni Rm hindi lang pala siya ang may problema pagdating sa babae meron din palang linihim ang Pusa nila. Masyado kasi itong tahimik kaya wala silang kaalam alam pagdating sa pagibig nito nagiging madaldal lang ito sa tuwing nakakainum na gaya ngayun. Madami pa silang napagkwentuhan habang lumalalim ang gabi nalaman din nila na isa ring Amazona ang kinagigiliwan ni suga ngayun kung gaano daw siya katahimik ay siya namang kadaldal ng babaeng gusto niya pero hindi niya alam kung bakit nagustuhan nila ang mga kabaliktaran ng mga gusto nila sa babae. Hindi man nabanggit ng kapatid kung sinu ang babae pero atleast alam nila na nasa paaralan lang din ito aantayin nalang din nila na ipakilala ito ng kapatid. Ubusin na natin to at ng makababa na tayo may pasok pa tayo bukas hindi pwedeng malasing tayo ng husto. Oo naman talagang tama na to sagot naman ng dalawa sabay sabay pa silang tumingala sa kalangitan. Napakaganda ng kalawakan kung punong puno ito ng bitwin nakakagaan ng loob.Oo sagot nalang nila kay Rm. Lumipas ang mga araw na naging mabuti na ang pakikitungo ni Namjin kay Jin mula nung masugatan siya at pinaramdam nito na mali ang inaakala niyang ugali nito mas lalo pang naging protective ito sakanya pero may lungkot siyang nararamdaman dahil sa pagiging malapit nila ay dahilan lang kay Jk. Sinabihan na siya ni Jin na pinakiusapan siya ni Jk na alagaan siya sa tuwing wala ito sa tabi niya nalaman na din ng kapatid nito na magkaklase sila nung una ay nagtampo pa ito dahil para daw siyang niloko oh ginawang tanga pero kalaunan ay ito rin ang nagpakumbaba dahil naisip nito na may mali din siya hindi rin naman kasi ito nagtanung. Kung hindi sila sabay sabay na kumakain ay si Jk o si Jin ang nakakasama niya hindi na talaga siya naiiwan na magisa lagi na niyang kasama isa sakanila gaya ngayun nasa garden silang lahat ngayun dahil nagkataon na bakante silang lahat para tuloy silang nagpipicknik dahil may mga pagkain sa kanilang harapan napapatingin pa ang mga studyante na nagdaraan sa pwesto nila. Sinu ba naman kasi ang maiinggit kasama niya ang pitong gwapo at mayaman sa mundo nasasanay na din siya sa kakulitan ng bawat isa masaya siya kasi kahit papanu ay nagbago na ang kanyang pananaw sa lahat ng kalalakihan ipinaunawa ng mga ito sakanya na hindi lahat ay gaya ng nanloko sa kaibigan niya. At unti unti na din niyang natatanggap ang pagkawala ng kanyang kaibigan para siya ngayun nabigyan ng pangalawang pagkakataon na mabuhay at masilayan ang magandang mundo dahil dati kung hindi siya nakakulong sa kanyang kwarto si Humster lang ang gusto niya kausap kung lalabas naman siya ay lagi siyang ilag sa mga tao mas gusto niyang nagiisa. Pero ngayun sa loob ng dalawang bwan na nakakasama niya ang mga binata parang natatakot na siyang magisa dalawang lingo nalang ay mag sesemestral break na sila wala pa siyang alam na pwedeng gawin dahil dati ay sa bahay lang naman siya pero ang magkakapatid ay may mga kanya kanya ng schedule umuwi na din siya sa bahay nila matapos ang isang bwan na pamamalagi niya sa mansyon ng magkakapatid. Hindi na tinuloy ni Jk ang dalawang bwan dahil mabait naman na daw ako hindi na daw ako amazona. Napapailing nalang siya dahil pinangalanan na siya ng mga ito na amazona number one kasi siya daw ang unang babae sa buhay nila kaya siya number one. Napapangiti nalang ang dalaga sa mga naalala napakabilis ng oras dahil sa mga pitong lalakeng ito ay nagbago bigla ang tahimik niyang mundo tawang tawa sila dahil sa pinaggagawa ni Tae na nagaastang unggoy sa malaking puno. Pati siya ay hindi na mapigilang humalakhak sana hindi umabot sa puntong itong pitong ito ang magiging dahilan upang masaktan siya dahil hindi niya alam kung anu ang gagawin niya baka hindi niya kayanin natatakot siya na baka dumating yung araw babalik siya sa dati na siya na lang ulit magisa nasanay na siya ehh kaya alam niya na pag dumating yung point na yun baka maging doble ang sakit na mararamdaman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD