Halos mapasalampak na sa sahig ng banyo si Namjin nanghina siya sa mga nakita at narinig mula sa lalakeng unang minahal niya.Hindi siya makapaniwala na ganun pala ang tingin nito sakanya at matagal na pala itong nagplano para sakanya? Umaagos nang walang patid ang kanyang mga luha sa kanyang mata. Tumayo siya at lakas loob na lumabas sa cubicle nagulat pa ang dalawa nang makita siya lalong lalo na si Jin para itong binuhusan ng malamig na yelo nilapitan niya ito at nginitian ng mapait kahit umaagos ang kanyang mga luha ay lakas loob parin siyang nagsalita. Ang tanga ko no nagpaloko ako sayo? ni hindi ko man lang naisip na ang pagiging mabait mo bigla sakin nuon ay isa palang patibong pero anu pang magagawa ko nandito na eh sabay duro niya sa tapat ng puso niya nakaukit na ang pangalan mo.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


