Nakatulala parin siya habang nakaupo sa hagdan samantalang ang dalaga ay tumakbo na palabas hindi niya akalain na naisip niyang halikan ang dalaga ng bumagsak na ito sakanya. Basta ang alam niya ay ng bumagsak ito mula sa pananakit sakanya ay nakaramdam nalang siya ng pagiinit ng katawan. Dahil naramdaman niya ang malulusog nitong mga dibdib na dumikit sakanyang katawan parang biglang tumaas ang kanyang libido dahil dun ay hahalikan na sana niya ito ng bigla itong tumayo at tumakbo. Wala ito sa mga plano niya na pagnasaan ang dalaga ang gusto lang niya ay akitin ito upang mabaling sakanya ang anumang nararamdaman sa kapatid para hindi nito masaktan ang bunso nila. Kung sakali mang may masama itong binabalak pero bakit parang naaapektuhan siya sa bawat pagdidikit nila ng dalaga? Hindi pa niya alam kung anung klaseng pakiramdam ang kanyang nararamdaman dahil sa dalaga lang niya ito naranasan ngunit kung anu man ito ay dapat niyang pigilan para sa ikakabuti ng lahat.Tumayo na siya upang bumalik sa kanyang kwarto kailangan niya ulit sumalang sa malamig na tubig upang mabawasan kung anu man ang nararamdaman niyang pagiinit ng katawan. Nang makapasok ay agad siyang nahubad ng mga damit wala siyang iniwan na kahit ni isa at hinayaan niyang nakakalat ang kanyang mga damit sa sahig dahil wala namang ibang papasok sa kwarto niya maliban sa kanyang mga kapatid sanay na silang magkakapatid sa ganung set up na kahit hubad pa sila sa harapan ng bawat isa ay ok lang. Nang makapasok sa sariling banyo ay agad siyang tumapat sa shower nilagay niya sa pinamalamig na temperatura ang tubig tumingala pa siya upang tumama sakanyang mukha ang bawat patak ng tubig nagtagal siya sa loob ng banyo ng halos tattlong pong minuto sinigurado niyang balik sa dati ang kanyang pakiramdam ng matapos ay tinakpan nalang niya ang kalahati ng kanyang katawan ng puting towel habang may maliit pa siyang hawak na pinang pupunas naman niya sakanyang buhok. Lumabas na siya upang magpalit pero nagtaka siya dahil ang mga hinubad niyang mga damit kanina ay wala na sa sahig napaisip siya na may pumasok kaya habang nasa loob siya ng banyo tatanungin nalang niya si nanay lita mamaya pagkababa niya ito ang nanay nanayan nila sa mansyon ito ang nagoorganisa lahat ng mga kailangan nila at ang kailangan dito sa bahay. Napamahal na sakanila ang ginang dahil bata palang sila ay eto na ang nagaalaga sakanilang magkakapatid hanga siya sa nanay lita niya dahil mula ng mawala ang kanilang mami ay ito na ang nagalaga sakanilang pito sa kakulitan nila ay nakatagal ang ginang sakanila madami silang natutunan sa nanay nila lahat ng kabutihang asal ay tinuro nito naranasan din nilang mapalo at makurot sakanya pero hindi sila nagalit dahil alam nilang para din sa ikakabuti nila kahit hanggang ngayun nga pinapalo parin nito ang tatlong bunso nila dahil minsan ay napakakulit talaga nila. Nagrereklamo nalang ang mga ito dahil mga binata na daw sila at hindi na mga bata ngunit ang kanilang nanay ay kahit may puti na daw sila sa buhok papaluin parin sila kung mali sila napapangiti nalang siya sa tuwing naaalala ang mga bawat kalokohan nila na umaabot sa matinding parusa.
Namjin
Mag iisang lingo na mula ng lumipat siya sa mansyon ng mga Hybe akala niya mahihirapan siya pero baliktad ang nangyari dahil nag buhay prinsesa siya. Pinagsisilbihan din siya gaya ng mga pitong prinsipe nahihiya nalang siya minsan kaya kahit pinipigilan siya ay kusa nalang siyang tumutulong gaya nalang ng paghuhugas ng pinagkainan at iba pa. Sa ngayun masasabi niyang hindi parin siya sanay sa presensya ng mga binata sakanya hindi niya akalain na ganunn pala sila ka wild parang mga maliliit na bata pag nagsamama mapapailing ka nalang sa mga makikita mung mga kalokohan nila tapos ang bukam bibig nila ay yun daw ang normal nila. Kung sila sila lang ang magkakasama, kung introvert ka hindi mo sila masasabayan sa bawat galaw nila susuko ka sakanila pero sa mga nakita niya sa loob ng isang linggo na kasama ang mga ito ay lagi siyang nakangiti nawawala kung anu man ang mabigat sa dibdib mu. Dahil gagawin nilang ang lahat para mapatawa ka at icomfort ka lalo na si JK at J-hope iba talaga ang pagiging masayahin nila ang kinakatakutan naman niya ay si Suga dahil hindi niya alam kung anu ang tumatakbo sa utak nito kasi halos sa buong araw mas mahaba ang oras na tahimik ito at nakakulong lang sa kwarto kaysa sa nakikipagkulitan sa mga kapatid nito. Napabuntong hinninga nalang siya sa kanyang mga naiisip nakaupo siya ngayun sa tambayan niya sa tuwing wala siyang klase wala siyang ganang makinig ng kanyang mga paboritong kanta pakiramdam niya ay may nais niyang makuha oh makita pero hindi niya mawari kung anu man iyon. Basta nalang kasi sumusulpot ang mga kung anu anung kaganapan sa isip niya hindi naman siguro niya namimiss ang mga binata oh baka ganun na din dahil parang ang tahimik ng mundo kung wala ang mga ito na nakaaligid sakanya. Lalo na si Jin na hindi mo maintindihan minsan mabait at sweet pero minsan sobrang sungit hay anu ba yan, Namjin huwag mung sabihin na namimiss mo na siya agad samantalang nakita mu siya sa klase kanina? Hindi nga lang kayu nagtabi oh nagusap oh nagkatinginan man lang tsk baliw ka na talaga bakit ba masyado kang affected sa Jin na yan diba nga galit ka sakanya bakit ka nalulungkot sa mga ipinapakita niyang ugali sayo ngayun? Baka ayaw lang niyang malaman ng iba na sakanila ka tumitira pansamantala at baka magka isue? yun lang yun mahabang kausap niya sa sarili tinapik tapik a niya ang noo gamit ang isa niyang kamay upang matauhan sa kanyang mga naiisip. Kung bakit kasi si Jin ang mas nangingibabaw sa kaisipan niya? Samantalang si JK naman ang may dahilan kung bakit ganun ang sitwasyon niya and speaking of that devil, himala wala ata siya ngayun na umaaligid sakin? Dapat kanina pa nangungulit yun sakin? napangisi siya nagsawa na din siguro dahil sa hindi niya pagsunod sa karamihan ng sinasabi nito kahapon lang ay gusto nito na samahan ko siya dahil may nangaaway daw sakanya na gaya kong amzona kaya naman ako daw itatapat niya para match sa inis ko ay binatukan ko na naman magpapatulong na nga lang tatawagin pa akong amazona.