Pagkaalis ng babae ay tuluyan na siyang lumapit sa mga ito. Ngunit hindi pa siya nakakaupo ay tumayo na bigla ang dalaga at ni hindi na lumingon kahit tinatawag pa siya ni RM. Anung problema ng mga babaeng to puro mga amzona? sabi pa ng kapatid sakanya napa ngisi nalang siya sa palagay niya ay ang babaeng nakasalubong niya ang isa sa tinutukoy nito na amazona.Umupo naman siya sa tabi nito sabay abot sakanya ng mga libro na binigay ng babae kanina.Tinignan naman siya ng kapatid na nakakunot ang noo. Huwag mu ako tignan ng gayan wala akong ginagawang masama nakasalubong ko lang siya habang palapit sa inyo kaya kinausap niya ako at binigay niya yan at pinapasabi pala niya na hindi daw niya kailangan ang mga yan. Nasabunutan nalang ng kapatid ang kanyang buhok. Matanung nga kita kuya panu mu natatagalan ang mga gaya nilang amazona? Tinignan niya ito ng may pagtatanung.Ngumisi naman ito sakanya huwag ka ng magkunwari kasi alam ko naman na ka klase mo si Namjin at lagi ka niyang inaaway. Napabuntong hininga nalang siya kahit kailan talaga wala siyang mailihim sa kapatid niyang ito pero atleast hindi ito nangengealam kung anu man ang desisyon nila.Ewan kasi lagi namang nauuwi sa away sa tuwing naglalapit kame para kameng asot pusa tignan mo nga hindi pa ako nakakaupo nilayasan na tayo mainit ang dugo niya sa mga gaya nating gwapo at mayaman.Sa palagay ko sayo lang siya galit na galit? Kasi kanina nung inaproach ko siya mabait naman siya sakin pero nung dumating ka bigla nalang nag-iba ang mood niya lalo na ng makita ka niyang may kausap na iba.Binatukan naman niya ito baliw alam ko na ang tumatakbo sa isip mo.Hahaha bakit ayaw mu na magustuhan ka niya kaysa kay JK kasi parang nakikita ko na atracted ka din sakanya? Hindi ka nalang pala magaling magbasa ng libro magaling ka na din magbasa ng tao sarkastiko niyang sabi sa kapatid.Ops may indenial dito kahit kita naman sa mga galaw niya .Abat babatukan pa sana niya ulit ito ngunit mabilis na itong nakatayo at nakalayo sakanya kita nalang tayo sa bahay magkwentuhan nalang tayo don iinum nalang natin ang mga nangyayari satin pagdating sa mga amazonang yon sigaw pa nito bako makaalis.Napapangiti nalang siya sa kapatid ito ang gusto niya dito laging nakikinig sa mga kahit maliit na bagay na problema nila pero hindi rin siya makapaniwala na may pinoprobleama din itong sariling amzona mas matapang pa ata yun kaysa sa amzona niya.Napailing nalang siya ulit sa naisip na tinawag niyang amazona niya si Namjin tumayo na din siya at kailangan na niyang bumalik sa classroom nila dahil limang minuto nalang ay magsisimula na ulit ang klase nila. Pagpasok niya sa classroom ay nakita niya agad ang dalaga nakasimangot parin ito linapitan niya ito at umupo na siya sa tabi nito akmang aalis sana ito ngunit hinawakan niya ang kamay nito. Agad naman siyang natigilan ng parang may koryenteng gumapang sa kanyang katawan patungo sa kanyang puso at pinakabog nito ng husto ang puso niya kaya agad din niyang binitiwan ang dalaga.Kaylangan ko ang numero mo para makapagusap tayo tungkol sa unang project natin? sasagot pa sana it ngunit dumating na ang prof, nila kaya napilitan na din itong tumabi sakanya.
Nang matapos ang kanilang klase ay hinarap ulit siya ng dalaga tumitig ito sakanya at nagbuntong hininga.Bakit anu na naman wala akong ginagawa at sinasabi dito ganyan na naman ang itsura mu? tanung niya sa dalaga.Tsk tsk kung hindi lang dahil sa group work hindi na sana kita kakausapin pa lagi kasi umiinit ulo ko pagkakita ko palang sayo. Pero dahil sa lintik na group work na yan kailangan kitang pagtiisan, ok fine ibibigay ko sayo ang number ko pero may kondisyon bawal mu ako itext o tawagan kung hindi tungkol sa project natin bawal mu ding ipamigay ang number ko lalong lalo na kay JK. Dahil ayaw ko ng makulit madami pa itong sinabi na dapat at hindi dapat nila gawin pero parang hindi na niya naisaisip iyon dahil nakatitig nalang siya sa mukha ng dalaga. Kahit pala masungit ito at hindi palaayos ay maganda parin ito natural ang ganda nito hindi na talaga kailangan pa ng make up mas lilitaw siguro ang ganda nito kung maayusan lalo na sa mg pilik mata nitong mahahaba, ang ilong nitong hindi naman katangusan pero bumagay sa mukha nitong maliit para siyang barbie. Ang labi nito na natural nalang ang pagiging pula nito natauhan siya ng bigla siyang sampalin ng dalaga. Napalaki pa ang kanyang mata sa pagkagulat hinawakan niya ang pisnging nasaktan. Aray anu bang problema mong amazona ka bat bigla ka nalang nananampal ng walang dahilan? Nilapitan niya ito at kinorner sa pagitan ng dalawa niyang kamay na nakapatong na sa pader inilapit pa niya ang mukha na ikinalaki naman ng mata ng dalaga.Anung gagawin mu tanung nito? sabay takip sa kanyang mga labi.Napangisi naman siya dahil sa isiping iniisip nitong hahalikan niya ito inilapit pa niya ang mukha niya malapit sa punung tenga nito kaya naman napapikit na ang dalaga. Sa susunod na sungitan mo pa ako hahalikan na kita at pag sinaktan mo pa ako ulit hindi na lang halik ang makukuha mu ikukulong na kita sa kwarto kasama ko. Huwag kang magalala hindi pa ako hahalik sayo ngayun pero bukas at sa mga susunod na araw maghanda ka na sa pagiging masungit mu. Nanlambot naman si Namjin sa mga sinabi ng binata sakanya hindi niya akalain na ganun ang gagawin sakanya ng binata halos maghalikan na sila sa pusisiyon nila at amoy na amoy niya ang pabango nito na napaka manly. Paanu kung totohanin niya ang mga sinabi niya sakin? Hindi pwede never kong ibibigay ang virginity ng lips ko sakanya at lalong lalo na ang napasigaw pa siya sa huling naisip alam niyang namumula na din siya sa kahihiyan masyado niya atang nasagad ang binata kaya ganun ang naging reaction nito sakanya. Hindi naman sana niya sasampalin ito kaso nung makita niyang titig na titig ito sakanya ay naginit agad ang ulo niya at bigla nalang niya nasampal ito.Hay Namjin napaka tanga mo din kasi hindi ka na nadala sa ugali mong yan na lagi din nagpapahamak sayo panenermon pa niya sa sarili. Oo nga pala panu yan pati numero mo dimo na naibigay? kailangan niyo ng magsimula sa mga dapat niyong tapusin dahil magsisimula na ng pasahan sa lunes hinabol pa niya ang binata ngunit wala na ito nakaalis na daw nanlulumo naman siyang umupo sa isa sa mga upuan sa patway.