Chapter 39 Axl drove me to my condo. At pagkarating namin sa condo ko ay doon niya binalik sa akin ang mga gamit ko. Seeing my phone made me quickly tired. Nakikita ko na sa isipan ko ang mga mensaheng naghihintay kaya nawalan na ako ng gana na tingnan iyon. “I’ll get enough clothes in my penthouse. Babalik ako kaagad,” Axl suddenly when I was about to go inside my room. Wala sa sarili ko siyang nilingon at nabasa ko ang pakikiusap sa mga mata niya. Napakunot ang noo ko bago ako nag-iwas ng tingin. “I’ll use the guest room,” biglang dagdag niya kaya napalunok ako saka muli siyang tiningnan. His eyes were still hopeful and I could see that he is asking for something. “I think it’s better if you stay in your place,” sabi ko at kaagad na napaigting ang panga niya dahil doon. His eyes slo

