CHAPTER 3: THE UNEXPECTED PULL

1580 Words
Pagmulat ni Lisa sa buntag, ang unang niyang nakita ay ang maliit na wall clock sa tabi ng kama. 6:27 AM. Medyo maaga pa pero wala na siyang gana matulog. Buong gabi, hindi siya makatulog nang maayos. Pabalik-balik sa isip niya ang eksenang naganap kahapon. Ang muling pagkikita nila ni Mark. “Ano bang meron sa kanya?” bulong niya sa sarili habang nakatitig sa kisame. “Isang beses lang tayong nagkita ulit, pero bakit parang… may something?” Tumayo siya at dumiretso sa lababo ng boarding house. Habang nagmumumog, sinulyapan niya ang sarili sa salamin. May konting eyebags pero okay pa naman ang hitsura. “Focus, Lisa,” sabi niya habang tinatapik ang sarili sa pisngi. “Walang ibang priority kundi ang makapagtapos.” Pagkatapos maligo at magbihis ng simpleng blouse at jeans, nagsuot siya ng light powder at lip balm. Di tulad ng ibang estudyanteng fully made up, sanay si Lisa sa simpleng ayos lang. Ayaw niyang maka-distract sa studies niya. Habang nag-aalmusal ng pandesal at mainit na kape, dumating si Charie. "Uy, Lisa," sabay upo nito sa tabi. "Tulog ka ba kagabi? Parang balisa ka." Lisa tried to shrug it off. "Hmm, okay lang. Siguro pagod lang. Baka late ang tulog." Pero alam ni Charie. Matalino ang kaibigan niya. "Siya na naman 'no? Si campus cutie," pang-aasar nito. "Ngek, ano ka ba! Hindi ko nga alam kung ano ang pangalan niya no’n. Tapos biglang magpapakita ulit kahapon. Coincidence lang 'yon." "Baka destiny, hindi coincidence," singit ni Charie habang ngumunguya ng itlog. Lisa rolled her eyes pero hindi na lang sumagot. Wala siyang energy makipagtalo, lalo na’t may klase pa siya. Sa school. Maaga pa kaya halos wala pang masyadong estudyante sa hallway. Dumiretso si Lisa sa library para mag-review. Tahimik sa loob. Paborito niyang lugar. Hindi siya disturbed dito. Pero habang nagbabasa ng notes, bigla siyang natigilan. "Mind if I sit here?" Boses na pamilyar. Hindi siya agad tumingin. Nung tumingala siya—tama ang hinala niya. Si Mark. Naka-light blue polo at faded jeans. Simple pero ang presence niya, sobrang noticeable. "Uh… sure," sagot niya kahit di niya alam kung bakit pumayag agad siya. Umupo si Mark sa tapat niya. Tahimik ito. Binuksan ang sariling libro. Di niya alam kung nagbabasa ba talaga si Mark o nagkukunwari lang. "So... Lisa, right?" tanong nito matapos ang ilang minuto. Napatingin siya. "H-ha? Paano mo nalaman?" Ngumiti si Mark. "May common friends tayo. Plus, narinig ko nung tinawag ka ni Charie kahapon. I have good memory." Lisa blinked. “Ah. Okay.” Medyo awkward, pero weirdly... may kilig. "Bakit ka nandito?" tanong niya, trying to sound casual. "Same reason as you, I guess. I need a quiet place. Maingay sa student lounge eh." Nakangiti lang si Mark. Calm. Relaxed. Parang sanay na sanay makipag-usap. Pero si Lisa? Nanginginig ang kamay. Di siya sanay sa ganito. "Hindi mo ba ako naaalala?" biglang tanong ni Mark. Nag-freeze si Lisa. "H-ha?" "Nung first day ng entrance exam. Sa may stairs. Nahulog ka. Tinulungan kita." Parang may rewind sa isip niya. Oo nga. Siya nga ‘yun! "Oh my gosh," napabulong si Lisa. "Ikaw pala 'yun?" Tumango si Mark. "Yep. That was me. Since then… I was hoping I’d see you again." Napatigil si Lisa. Her heart was pounding. Hindi siya sanay sa ganitong mga linya. Parang straight out of a w*****d story. "Pero hindi kita nakita for months. And then kahapon… boom. There you were." Tahimik siya. Di niya alam ang sasabihin. "But don't worry, I’m not here to creep you out," biro ni Mark. “I just thought… maybe we can be friends?” Tumango si Lisa. "Sure. Friends." Pero bakit parang ang bigat ng salitang friends ngayon? Lunch time. Hindi niya namalayang sobrang tagal na pala nilang nag-usap ni Mark. Hanggang sa magbell, saka lang siya natauhan. "Hala, late na ako sa class!" Nagmadali siyang tumayo. "Sabay na tayo," alok ni Mark. "Engineering building din ako." Nagkasabay silang maglakad. Tahimik pero comfortable. Noong una awkward, pero habang tumatagal, parang natural na lang. Pagdating sa tapat ng room niya, tumigil si Lisa. "Hanggang dito na lang ako. Thank you, Mark." Ngumiti si Mark. “See you around, Lisa.” Pag-uwi sa boarding house. Pagod pero inspired si Lisa. Wala siyang masyadong nasabi kay Charie kasi baka kulitin siya. Kaya dumiretso siya sa kwarto at humiga. Nag-scroll siya sa phone. Pag-check niya sa messenger, may friend request. Mark Dela Cruz. Heart skip. Tinanggap niya ito. After a few seconds, may message. Mark: “Made it to class on time? 😊” Napangiti si Lisa. Lisa: “Yup. Thanks for walking with me.” Mark: “Anytime. Hope I see you again tomorrow.” Napahawak si Lisa sa dibdib niya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Bakit parang may kakaiba? Bakit parang... unti-unting nagbabago ang mundo niya? Kinabukasan, hindi inaasahan ni Lisa na hahanapin ng mata niya si Mark pagkadating pa lang sa campus. Hindi naman niya sinasadya… pero parang automatic na. Ganon pala ‘yon kapag may taong nag-iwan ng marka sa’yo, kahit hindi mo pa lubos na kilala. She sighed and reminded herself, "Focus, Lisa. Huwag palamon sa distraction. Priority mo pa rin ang family mo." Pero ilang hakbang pa lang siya sa gate, may bumulong sa likod niya. “Looking for someone?” Napalingon siya. Si Mark. "Grabe, bigla ka na lang sumusulpot," sabi ni Lisa, kunwari annoyed, pero hindi maikakaila ang ngiting pinipigil niya. Mark laughed. “Sakto lang ang timing. Saan ka punta?” “Library ulit. May quiz kami mamaya,” sagot ni Lisa habang inaayos ang strap ng bag. “Sabay na ako. I need to review too. Para may inspirasyon,” biro nito. "Ha? Ako 'yon?" sabay irap ni Lisa, pero natawa rin. Habang naglalakad sila, napansin ni Mark ang scratch sa strap ng bag ni Lisa. “Nasira?” tanong nito habang tinuturo ang strap. “Hmm, medyo luma na kasi 'to. Pinagtiyatiyagaan ko pa. Basta kayanin lang hangga’t maaari.” Tahimik si Mark saglit. “Alam mo, ang simple-simple mo pero ang bigat ng impact mo.” Natahimik si Lisa. Hindi niya alam kung paano sasagutin 'yon. Hindi siya sanay sa papuri. Lalo na sa isang taong halos ngayon lang niya talaga nakakasama nang ganito ka-personal. Sa library. Tahimik pa rin ang paligid. Pareho silang nagbukas ng notes pero hindi maiwasang magkwentuhan. “Pang-ilan ka sa magkakapatid?” tanong ni Mark. “Bunso. Tatlo kaming magkakapatid. Ako lang ang nakapagtuloy ng college.” “Oh. That’s tough. Kaya pala you study so hard.” Tumango si Lisa. “Gusto kong makabawi kay Mama. Sobra siyang nagsakripisyo para makapag-aral ako.” Tahimik si Mark. “Mabait kang anak.” Napangiti si Lisa. “Ikaw?” “Only child. Pero parang gusto ko rin maging bunso para may ate o kuya na magtatanggol sa’kin.” “Wala bang nagtatanggol sa’yo ngayon?” pabirong tanong ni Lisa. Mark smirked. “Meron. Ikaw.” Napangiwi si Lisa. “Weh? Hindi nga.” “Totoo,” sagot ni Mark. “Kahit di mo pa alam, you’re starting to matter.” Napaatras si Lisa mentally. Starting to matter? Too soon, too fast… pero bakit parang hindi niya gusto pigilan? Pagkatapos ng klase. Paglabas ni Lisa sa room, nakita niyang naghihintay si Mark sa labas. "Di ka pa umuuwi?" tanong niya, gulat sa presensya nito. "Hinihintay kita. Gusto lang kitang ihatid kahit hanggang sakayan lang." Nag-aalangan man, pumayag na rin si Lisa. Habang naglalakad, dumaan sila sa small park sa loob ng campus. Tahimik, may mga puno, may mga upuan. "Pwede bang maupo sandali?" tanong ni Mark. Umupo sila. Doon nagsimulang lumalim ang usapan. “Anong pangarap mo?” tanong ni Mark habang nakatingin sa langit. “Makapagtapos. Makahanap ng trabaho. Mapatayo ng sariling bahay para kina Mama.” “Simpleng pangarap pero napaka-noble. I admire that.” “Bakit ikaw, anong pangarap mo?” “Gusto ko lang maging masaya. Gusto ko ng simpleng buhay na kasama ang tamang tao.” Tumingin si Mark kay Lisa. Malalim. Parang may gusto itong iparating. Si Lisa, hindi makatingin ng diretso. Kinakabahan siya. Kinikilig. Nalilito. “Mark…” “Yes?” “Wag ka sanang umasa ng sobra. Di ako sanay sa ganito.” Tumango si Mark. “I know. Kaya nga ayokong madaliin. Pero gusto kong malaman mo… na seryoso ako.” Sa boarding house. Pagdating niya sa kwarto, diretso siya sa kama. Tinakpan ang mukha ng unan. “Ano bang nangyayari sa akin? Dati, puro aral lang ang iniisip ko. Ngayon, may Mark na sa sistema ko?” Biglang nag-vibrate ang phone niya. Mark: "Thank you for spending time with me today. Ingat ka palagi, Lisa." Nagreply si Lisa. Lisa: "Ikaw din. Salamat sa paghatid." Ilang araw ang lumipas. Mas naging close sila. Halos araw-araw silang nagkikita. Nagtutulungan sa projects. Nagkukulitan. Parang natural na ang lahat. Pero habang tumatagal, mas lalong nahihirapan si Lisa. Nahihirapan siyang labanan ang nararamdaman. Lalo na't isang araw, nang umuulan ng malakas, biglang bumagsak ang kuryente sa boarding house. Naka-silent ang paligid. Tanging ulan at kulog ang maririnig. Nang tumunog ang phone niya. Mark: “Nabasa ka ba? Safe ka ba ngayon?” Lisa: “Oo, nasa loob na ako. Brownout lang.” Mark: “Okay. I’m just a message away, ha? Kahit anong oras.” Napaluha si Lisa. Hindi niya alam kung bakit. Pero isa lang ang malinaw. Unti-unti nang nahuhulog ang puso niya. At hindi na niya alam kung kaya pa niyang pigilan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD