Chapter 2: The Stranger Who Made Me Smile

795 Words
Simula nung araw na ‘yon sa library, may nabago kay Lisa. Hindi man halata, pero unti-unting lumuluwag ang pader na matagal niyang itinayo sa puso niya. Parang sa bawat palitan nila ng messages ni Mark, may isang parte sa kanya na bumabalik sa buhay. Hindi ito tulad ng kilig na gawa-gawa lang. May lalim. May respeto. At higit sa lahat—walang pilit. “Hi, Lis. May free time ka later? Maybe we can finalize the outline na,” text ni Mark isang gabi. Lisa smiled habang hawak ang phone. “Sure. After my last class. 4:30?” “Sige. Same spot sa library?” “Yes :)” First time niyang gumamit ng smiley face sa isang lalaki. At ‘di niya maikakaila—parang gusto niya pang makilala si Mark. Library, 4:30 PM Pagdating ni Lisa, nandoon na naman si Mark. Maaga. Palaging maaga. “Hey,” bati ni Mark habang pinapwesto siya sa upuan sa tapat. “Hi. Ang sipag mo talaga,” natatawang sabi ni Lisa. “Sanay lang siguro. Gusto ko lang matapos agad ang mga dapat tapusin para may time pa sa ibang bagay.” “Like?” tanong ni Lisa habang inaayos ang notes. “Hmm… music, reading random stuff, sometimes walking around alone para mag-reflect.” Napangiti si Lisa. Hindi niya ine-expect na may lalaking ganon ka-simple ang trip. Most guys she met before were either too loud or too complicated. Si Mark? Chill. Tahimik. Pero interesting. Habang nagwo-work sila, hindi naiwasan ang light conversations. “Anong favorite subject mo?” tanong ni Mark habang nagta-type. “Anatomy siguro. Masaya ‘yung may visual. Ikaw?” “Psychology. I like understanding how people think.” “Uy, baka nababasa mo na pala ako ngayon,” natatawang biro ni Lisa. “Hmm…” sagot ni Mark, nakatingin sa kanya. “Not really. Pero I think you’re the type na maraming gustong sabihin pero laging inuunang intindihin ang iba.” Natigilan si Lisa. For a moment, parang nabasa nga siya ni Mark. Napalunok siya, pero ngumiti na lang, pilit itinatago ang kaba. “Grabe ka ha. First time mo pa lang ‘yan sabihin.” “Observation lang,” sabay ngisi ni Mark. After ilang oras ng working, nag-aya si Mark. “Gusto mo mag-snack muna? Break tayo.” “Sure, gutom na rin ako.” Naglakad sila papuntang maliit na bakery sa gilid ng campus. Doon sila umorder ng tig-iisang ham & cheese bread at milktea. Sa maliit na mesa sa labas ng bakery, naupo sila habang pinapanood ang dumadaang students. Tahimik lang si Lisa noong una. Pero ramdam niyang hindi awkward ang katahimikan nila. In fact, ang gaan ng pakiramdam niya. “Masarap ‘yung bread,” sabi ni Mark. “Mas masarap siguro kung may libreng kwento,” sagot ni Lisa. Napatingin si Mark sa kanya, parang natuwa sa pa-tease na tono. “Gusto mo kwento?” tanong niya. Lisa nodded. Mark stared at the sky for a few seconds before speaking. “I used to think na I had everything planned. Pero biglang nagbago lahat nung nawala si Dad.” Napatingin si Lisa sa kanya, nagulat. “He died three years ago. Kaya kami lumipat dito. My mom had to reset everything. Naghanap kami ng bagong simula.” Hindi alam ni Lisa ang sasabihin. Pero ramdam niya ang bigat ng pinanggagalingan ni Mark. “I’m sorry,” bulong niya. “It’s okay. Okay na ako ngayon. Pero siguro kaya ako seryoso minsan, kasi maaga kong na-realize na hindi lahat ng bagay permanente.” Tahimik ulit. Then Mark looked at her. “Ikaw? May mga bagay ka bang ayaw mong pag-usapan?” Lisa smiled a little, pero medyo lungkot din ang tingin niya. “Hindi ako galing sa mayamang pamilya. Pero masaya kami. Yun nga lang, kailangan kong magsumikap. Walang plan B para sa akin. Kaya siguro natutong magsara. Ayokong may maka-distract sa mga goals ko.” Mark nodded slowly. “Kaya pala… now I get it.” Nagkatinginan silang dalawa. Walang malisya. Walang assumptions. Just two people... quietly understanding each other. And that’s when Lisa realized: minsan pala, hindi mo kailangan ng matinding spark. Minsan, sapat na ‘yung maramdaman mong… safe ka. Later that night, Pagbalik ni Lisa sa boarding house, inabutan siya ni Charie na may ngiti sa labi. “Ohhh. Sino kausap mo sa labas ha?” “Wala. Kumain lang kami ni Mark after ng group work,” casual na sagot ni Lisa habang iniiwas ang tingin. “Talaga lang ha?” pang-aasar ni Charie. “Gusto mo na talaga ‘yan.” “Hindi no. Mabait lang siya. Responsible. At tsaka…” “At tsaka?” Lisa paused. She smiled, then whispered, “He makes me feel calm.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD