CHAPTER 1

2056 Words
Nagmamadali kong tinakbo ang entrance patungo sa information ng hospital na ito. "Miss, anong room ni Elisa Cardoña?" humahangos kong tanong sa information ng hospital. Saglit akong pinagmasdan ng babae sa information at nagtakip siya ng ilong. Hindi ko naman siya masisi dahil tindera ako ng isda sa palengke at galing ako sa palengke ng matanggap ko ang tawag ng kapatid kong babae. Marahil amoy na amoy niya ang malansang amoy ng isda sa damit ko. "Room 307 is on the third floor." "Thank you." Hindi na ako gumamit ng elevator dahil tinakbo ko ang hagdan papuntang third floor. Habol ang hininga ko nang marating ko ang third floor ng ospital. Umikot ang paningin ko dahil sa matinding pagod at idagdag mo pa ang gutom. Ngunit hindi ko alintana ang nararamdaman ko dahil ang mahalaga sa 'kin ay malaman ang kalagayan ng anak ko. Nang makarating ako sa mismong pinto ng silid ay agad akong pumasok sa loob. Halos nanlambot ako nang makita ko ang anak ko na may nakalagay na oxygen at halos nahihirapan siyang huminga. Hinawakan ko ang kamay ng anak ko at marahan kong hinamplos ang buhok niya. "B-Baby ko." Pilit kong pinipigilan ang luha ko na huwag pumatak. Dahan-dahan namang lumingon sa 'kin si Elisa. Pilit siyang ngumiti sa kabila ng hirap siyang huminga. "M-Mama." "Pagaling ka baby ko, gagawin lahat ni Mommy lahat para gumaling ka." Pilit na ngumiti si Elisa. "T-Thank you, Mama." "Kailangan niyang operahan dahil habang tumatagal siyang hindi na operahan mas lalo siyang nahihirapan," ani Ate Alice. Tuluyan ng lumaglag ang mga luha ko sa mga mata ko. Matagal ko ng alam na may sakit sa puso si Elisa kaya lahat ginawa ko para sa kanya. Pikit mata akong nagtrabaho sa club tuwing gabi at pagdating ng umaga ay tindera ng isda. Halos hindi na ako magpahinga para lang makaipon ng pera ngunit hindi pa rin sapat ang pera na naipon ko. "Malaki na rin ang bills natin sa ospital na ito. Anong gagawin natin?" tanong ni Ate Alice. Tumingin ako sa anak kong natutulog. Ang sakit makita ang anak ko na hirap na hirap at wala akong magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. "Gagawa ako ng paraan para maoperahan ang anak ko." Pagkatapos kong makausap ang doktor ay lumabas ako ng silid ni Elisa. Para akong wala sa sarili na naglalakad sa lobby ng hospital. “Saan tayo kukuha ng donor ng kidney ng asawa ko?” Huminto ako nang marinig ko ang sinabi ng babae na dinaanan ko. Huminto ako at lumapit sa kanila. "Excuse me, narinig kong kailangan n'yo ng kidney donor, puwede kong ibenta sa inyo ang kidney ko." "Talaga?" Lumiwanag ang ngiti ng Ginang. Tumango ako. "Pwede n'yo ba akong bayaran ng tatlong daan libo?" Nagkatingin ang dalawang matandang babae. "Wala kaming gano'n kalaking pera, ang kaya lang namin ay fifty thousand." Ngumiti ako. "Huwag na lang po, tulad n'yo kailangan ko rin ng pera para maoperahan ang anak ko." "Gawin na lang natin na seventy thousand pesos." Umiling ako. "Salamat na lang po." Muli akong naglakad sa lobby hanggang sa makarating ako sa information ng ospital. "Miss, saan ba puwedeng makahingi ng tulong dito?" tanong ko sa information. Ngunit hindi ako pinapansin ng mga tao sa information. Bagsak ang balikat kong umalis. Habang naglalakad ako ay bigla akong may nabangga. "Ay!" Una ang puwet kong bumagsak sa sahig. "Are you okay, Miss?" Tumingala ako upang tingnan ang tao na bumangga sa 'kin. Gayon na lang ang gulat ko nang makilala ko ang nakabanggaan ko. Customer ko ito sa club. Isang gwapong lalaki ang nasa harapan ko at nakakunot ang noong nakatingin sa 'kin. "Are you okay?" tanong niya. Sunod-sunod ang naging pagtango ko sa kanya. "O-Okay lang ako!" Nilampasan ako ng lalaki at ako naman ay sinundan siya hanggang sa makita ko siyang pumasok sa isang silid. Bumuntong-hininga ako. "Bahala na! Susubukan ko lang naman." Pinihit ko ang seradura ng pinto at pumasok ako sa loob ng silid. Nagulat pa ako nang makita ko ang lalaki na may hinahalikan na babae. "Ay! Sorry!" Halos kainin ako nang buhay ng lalaki nang makita niya ako. Nagmadali namang lumabas ang babae na kahalikan niya. "Who are you?" Inis niyang tanong sa 'kin. "A-Ah, ako si Euhanna Cardoña." Nameywang siya sa 'kin. "And so?" Lumunok ako. "Hindi mo ba ako natatandaan? Ako ang babae sa club, ’yong nilabas mo." Tinitigan ako ng lalaki ng maigi. "Ikaw yung prostitute." Kagat labi ako upang pigilan ang luha ko. Kahit sabihin ko sa kanya na mula nang gabi na inilabas niya ako ay hindi na ako pumayag ilabas dahil natatakot akong sa maaring mangyari sa 'kin. Tumango ako. "A-Ako nga." "What are you doing here?" "Gusto ko sanang humingi ng tulog sa 'yo. May sakit ang anak ko at kailangan niyang operahan." Ngumisi siya. "Hindi ako charity, lumabas ka na kung ayaw mong sapilitan kitang palayasin." Lumuhod ako sa harapan niya. "Pakiusap, tulungan mo ako. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, tulungan mo lang akong iligtas sa kamatayan ang anak ko." "Sinabi ko sa 'yo na hindi ako charity." Tumalikod siya at tinawag ang security guard. "Elisa Cordoña ang pangalan ng anak ko. Nasa roon 307, tulungan mo siya." Kumuha ng pera sa pitaka ang lalaki at hinagis sa 'kin ang tatlong libo. Huwag mo nang hintayin na dumating ang security guard dahil kakaladkarin ka niya palabas." Kinapalan ko ang mukha ko. Dinampot ko ang pera na hinagis sa 'kin dahil makakatulong din ito sa pambili ng gamot ng anak ko. Bagsak ang balikat kong lumabas ng silid. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pera ko. Kung puwede lang magnakaw ay ginawa ko na. Ngunit alam kong masamang gawain iyon at alam kong hindi gusto ni Elisa ang gumawa ako ng masama. "Euhanna!" Tumingin ako sa tumawag sa 'kin. Nakita ko ang kaibigan kong si Nancy. Nasa loob na kami ng club at naghihintay na lang ng hudyat ng baklang si Rita para lumabas kami. Sasayaw kami ng sexy dance para ang mga parokyano sa labas ay makapili sa amin kung sino ang gusto nilang i-table. "Bakit?" "Bakit mukhang biyernes santo ang mukha mo?" Nakasuot lang kami ng two-piece bikini at makapal na makeup. Bumuntong-hininga ako. "May customer ba diyan na willing magbayad ng malaking halaga para ilabas ako?" Umupo sa tabi ko si Nancy. "Hindi ba't sinabi mo na ayaw mong magpa-booking?" Tumango ako. "Pero mukhang kailangan kong gawin para makaipon ng pera sa operasyon ng anak ko." "Kung dito ka magpapa-booking, 'wag na lang, wasak na ang pechay mo hindi mo pa naiipon ang pera ng kailangan mo. Mga kuripot ang mga regular customer dito. Bihira lang na may mapadaan na customer na hindi kuripot katulad ng naging customer mo." "May alam ka pa na ibang raket?" Saglit na nag-isip si Nancy. "Maganda kung maging escort ka ng isang politiko para solve ang problema mo." Hinawakan ko ang kamay ni Nancy. "Kanino ako lalapit?" "Mamaya tanungin natin Mamang." "Girls! Be ready!" sigaw ng baklang si Rita. Tumayo na kaming lahat upang maghanda. Kami kasi ang sasayaw ngayon sa stage. Ilang minuto pa ay isa-isa na kaming lumabas at sumayaw sa stage. Sinadya kong galingan sa pagsasayaw ng sexy dance upang may makapansin sa 'kin. Umaasa ako na may customer akong hindi kuripot. Ang lakas nang hiyawan ng mga lalaki. Bukod pa noon ay maririnig ang mga bastos na salitang sinisigaw nila habang sumasayaw kami. Nang matapos kaming sumayaw ay bumalik kami sa silid at maghihintay na lang ng tawag ni Rita para sa magiging customer namin. Siya kasi ang tumatanggap ng bayad ng customer na i-table at i-bo-book kami. Lumapit sa 'kin ang baklang si Rita. "Nandiyan ang dating customer mo, gusto kang ilabas gusto mo ba?" "Sinong customer?" "’Yong guwapo na lalaki na nilabas ka." Biglang nagbago ang isip ko nang malaman ko na ang lalaki na gusto akong ilabas ay ang lalaki na una kong naging customer. Malaki siya magbigay ng tip pero hindi ko makalimutan ang ginawa niya sa 'kin sa ospital kanina na halos ipagtabuyan niya ako. Umiling ako. "Table lang po." "Hays! Ang arte mo grasya na ang lumalapit sa 'yo ayaw mo pang tukain." Sabay talikod niya. Ilang saglit pa ay muli akong tinawag ni Rita at sinabi niyang pumayag na ang customer ko na hanggang table lang ako. Nakasimangot ako nang umupo ako sa table ng lalaki. "Anong gusto mong inumin?" tanong niya sa 'kin. "Gusto ko yung pinakamahal na alak." Mas malaki kasi ang porsyento ko kapag mahal ang presyo ng alak na bibilhin ng customer ko. "Okay!" Um-order siya ng pinakamahal na alak at inilagay niyang lahat sa table. Agad ko iyon binuksan para maubos agad. Mas marami akong alak na mainom mas marami akong porsyento. Hinayaan ko siyang himasin niya ang binti ko at pisilin ang dibdib ko ngunit nang ipapasok na niya sa loob ng panty ko ang kamay niya ay pinigilan ko siya. "Hindi 'yan kasama sa binayad mo." "Magbabayad ako." Muli kong tinungga ang alak at ngumisi. "Kailangan ko ng malaking pera. Kung hindi mo ako bibigyan ng malaking pera 'wag ka nang umasa na mahahawakan mo 'yan." Huminto siya at uminom din ng alak at tumingin sa 'kin. "Matagal mo na ba itong trabaho?" "Anong pakialam mo?" "Hindi ka na natatakot malaman ng anak mo na ang Nanay niya ay pokpok?" Huminto ako sa iniinom kong alak at tumingin sa lalaki. "Ginagawa ko ito para madugtungan ang buhay niya." Ilang segundo rin akong tiningnan ng lalaki at pagkatapos ay naglabas siya ng calling card. "Kausapin mo ang tao na ito bukas. Siya ang may-ari ng ospital kung saan naka-confine ang anak mo." "Salamat." Tinago ko iyon sa loob ng suot kong bra at pagkatapos ay ipinagpatuloy ang iniinom kong alak. Hindi na ako nagkaroon ng ibang customer dahil binayaran ng lalaki ang buong oras ko sa club. Kinabukasan ay alas-diyes ng umaga ako pumunta sa opisina ng may-ari ng hospital. Hinintay ko siyang dumating dahil ang sabi ng sekretarya nito ay hindi pa ito dumarating. "Miss, pumasok na kayo, nandito na si Mr. Herrera," sabi ng sekretarya. Huminga muna ako nang malalim bago ako pumasok sa loob. Dahan-dahan akong kumatok bago ko binuksan ang pinto. "Come in." Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad ako palapit sa lalaki. Nakatalikod kasi siya sa 'kin at may kausap sa cellphone. Umupo ako sa upuan sa gilid ng table niya at hinintay siyang matapos sa kausap niya. "Okay, I'll talk to you tomorrow." Parang slow motion siyang humarap sa 'kin. Nang humarap siya ay sumimangot ako. "Ikaw ba ang may-ari ng hospital?" hindi makapaniwalang tanong ko. Ang lalaking customer ko sa club ang may-ari ng hospital. Nakiusap na ako sa kanya kahapon ngunit hindi niya ako pinakinggan. Umupo siya sa swivel chair niya at tumingin sa 'kin. "Paano mo ako mapapayag na tulungan kita?" Nagsimula ng tumulo ang luha ko. "Pakiusap, tulungan mo akong maoperahan ang anak ko. Lahat gagawin ko tulungan mo lang ako. Siya lang ang buhay ko, siya lang ang dahilan kung bakit ako nagsisikap." "Kaya ba pumasok ka sa club para bigyan mo ng magandang buhay ang anak mo?" sarkastiko niyang tanong. Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi bago nagsalita. "Napilitan akong pumasok sa club dahil mas malaki ang kita ko gabi-gabi. Kailangan ko ng malaking halaga, ngunit ang sabi ng doktor kailangan na siyang operahan agad." "Okay, tutulungan kitang bayaran ang lahat ng gagastusin sa pagpapagamot ng anak mo pero sa isang kondisyon." Nabuhayan ako ng loob nang marinig ko ang sinabi niya. Kahit siguro ibenta ko ang kaluluwa ko ay gagawin ko, gumaling lang ang anak ko. "Lahat gagawin ko para sa anak ko." Tumingin siya sa 'kin. "You will do everything I want, and you will be my servant." "Yes!" agad kong sagot. Hindi na ako nag-isip ng kung ano-ano pa, ang nasa isip ko lang ay ang gumaling ang anak ko. Inalis niya ang suot niyang sinturon at hinubad ang pantalon hanggang sa wala na itong suot na pang-ibaba. Tumingin siya sa 'kin. "Kneel down and make me happy." Tumango ako at pikit matang sumunod sa gusto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD