Chapter 34

1497 Words

Sunod-sunod na katok sa pinto ang nagpabangon sa akin sa kama. Pagkarating kasi namin sa condo ni Sir Henry ay pumasok na agad ako sa kwarto. Ni hindi ko na nga nagawang magbihis ng damit. Dahil sa nangyari kanina ni hindi ko na nagawang kausapin siya tungkol sa pagtawag niya sa aking girlfriend sa harapan nila Max. Alam ko naman kasing sinabi lang niya yun upang ipagtangol ako sa kanila at walang malisya yun sa akin dahil kilala ko naman si Sir Henry. Ngayon ay gusto ko na lamang magkulong sa kwarto at umiyak. Akala ko kasi ay okay na ako. Pero hangang kanina ay hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili na umiyak. Inayos ko ang aking sarili at pinahid ko ang luha sa mga mata ko bago ko buksan ang pinto. Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Sir Henry. Nakapanglakad na siya na damit.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD