“Ate Silvia!” Salubong sa akin ni Mary nang pagbuksan ko siya ng pinto. Tinawagan ko siya at pinapunta ko siya sa condo ko para makapag-usap na rin kaming dalawa. Matagal kaming hindi nagkita at namiss ko rin siya. Mahigpit na yakap ang sinalubong ko sa kanya. Pagkatapos ay pinapasok ko na siya sa loob. “Wow! Ang laki naman at ang ganda ng condo. Parang gusto ko na tuloy magkaroon ng ganito.” Bulalas niya habang inililibot ang kanyang paningin sa kabuohan ng condo ko. Niyaya ko siyang maupo sa sofa at ikinuha ko siya ng meryenda. Nag-order kasi ako ng donut dahil alam kong yun ang paborito niya. “Wow ha, thank you Ate. May pa meryenda pa tayo diyan ah.” Masaya ako at nakita ko siyang muli hindi pa rin siya nagbabago. Kahit hiwalay na kami ni Max at Ate pa rin ang turing niya sa a

