“Marlon?” Sambit ni Sir Henry. Sa pagkakaalala ko Marlon ang pangalan ng nagpadala sa kanya ng bulaklak kanina. Kaagad akong hinila ni Sir Henry at inalagay sa likuran niya. “Anong ginagawan mo dito?” Kunot noo na tanong niya sa lalaki. “Kaya pala ayaw mong sagutin ang tawag at email ko sa’yo. Dahil may bago ka ng karelasyon. At hindi lang basta karelasyon kundi babae pa? Bakit? Nagsawa ka na ba sa lalaki kaya ngayon babae naman anng gusto mo?” Nang-uuyam na tanong nito sa kanya. Napakuyom si Sir Henry ng kamay niya. Gwapo din pala itong si Marlon at malaki din ang kanyang katawan. “Wala kang paki-alam sa kung ano o sino ang gusto kong ipalit sa’yo. Hiwalay na tayo, ikaw ang nangiwan sa akin hindi ba? So, bakit panay pa rin ang contact mo sa akin? Don’t tell me hindi niya nabibigay an

