“Aalis na kayo?” Kunot noo na tanong ni Eleonor sa kanila paglabas nila ng garden. Bitbit na kasi ni Silvia ang bag niya. At sinunod na lamang ni Max ang gusto ng kanyang asawa. “Yes Ma, may pupuntahan din kasi kami ng asawa ko.” Pagdadahilan nito na ikinalungkot ng kanyang Ina. “Don’t worry dadalaw kami ulit after the Hawaii trip.” Dagdag pa nito sa Ina. “Ma, Pa alis na po kami.” Nahihiyang paalam ni Silvia. “Umiyak ka ba ate Silvia? Bakit namumula ang mata mo?” Usisa naman ni Mary. “H-hindi, baka na- irritate lang.” Nakangiting sabi ni Silvia sa kanya. Dahil nakatingin na sa kanya ang lahat ng naroon. “Ah ganun ba? Take care and happy trip!” Paalam nito sa kanila. Bumaling siya sa kabilang upuan kung saan naroon ang ate ni Max. “Ate Maricel mauna na kami.” Sambit niya tuman

