Napagod na siguro akong umiyak kaya kahit masakit pa rin ang nararamdaman ko ay naubos na ang aking luha. Ang hirap maramdaman ang ganito yung gusto kong humingi ng paliwanag sa kanya pero siya mismo ang ayaw makipag-usap sa akin. Kahit si Ava ay hindi na rin matawagan ni Mary. Lumipas ang magdamag at hangang inabutan na ako ng umaga ay wala pa rin akong maayos na tulog. Panay din ang katok ni Mary kagabi upang kumustahin ako. Siya na nga rin ang nagdala sa akin ng pagkain. “Ate, nagchat si Kuya. Pinapauwi na niya ako dahil mamayang gabi daw ang dating niya.” Napaangat ako ng tingin mula sa pagkakasubsob sa higaan. “Ayoko sanang iwan ka dito. Pero dapat mag-usap kayong dalawa ni Kuya. Sinabi din niya sa akin na wag kong sasabihin kila Mommy at Daddy. Siya na daw ang bahala na magpaliw

