Max’s POV “Hon, galit ka ba sa akin? Bakit hindi mo ako kinakausap? Akala ko ba nagpag-usapan na natin na magpapagawa ako ng magandang wedding gown para sa kasal natin?” Hinawakan niya ang braso ko upang pigilin ako sa pag-akyat ng hagdan kaya nilingon. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na doon ka sa baklang yun magpapagawa ng wedding gown?!” Singhal ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na doon niya ako dadalhin at makikita ko pa ulit si Silvia. Pagkatapos ng naging pag-uusap namin sa sementeryo ay agad kong pinuntahan si Mary. Inamin niya sa akin na nagkaroon nga ng party noong gabing yun. Pero hindi niya alam ang ginawa ng walang hiyang lalaking yun dahil nagkagulo na sila sa sala nang malaman niyang nagloko ang boyfriend niya. Kinausap ko din si Ava pero sinabi niya sa akin na nagsisinunga

