Tulalang napatingin si Theodoro sa kalawakan ng farm. Ilang days ma siyang nandirito pero hindi pa rin maiiwasan ang hindi isipin ang dalaga na kanyang naiwan. Gusto niyang magtanong kung ano nang balita rito pero kinakain naman siya ng kanyang pride. Isa pa, ipinangako na niya rito na hindi na niya ito guguluhin pa pero parang ang sarili yata niya ang nagulo ngayong hindi na niya ito nakikita, hindi nararamdaman. Namimiss na ito! Oo, pero may magagawa pa ba siya? Ang tanging pictures lang nito na nasa phone niya ang tanging kasa-kasama niya at ito na rin ang kinakausap at tinitingnan niya kapag namimiss niya ang dalaga. "Sana namimiss mo na rin ako," mahina niyang sabi habang bahagya niyang hinahaplos ang mukha ng dalagang nasa phone niya. "Sir Theo?" tawag ni Mang Karding sa kanya. An

