CHAPTER 4

1600 Words
Agad na nailayo ni Theodoro ang sarili niya sa dalaga nang magmulat ito ng mga mata. "G-gigisingin sana k-kita," nabubulol niyang sagot sa tanong nito. "May binili kasi akong pagkain," aniya saka niya itinaas ang kanyang kamay na may hawak ng pagkaing bitbit niya. Dahan-dahan na bumangon si Jackie Lou at tiningnan nito ang pagkaing dala niya. "Ano 'yan?" Inilabas niya ang dala niyang pagkain mula sa kinalagyan nitong plastic. "Isaw," matipid na sabi ng binata na siyang nagpangiti sa dalaga. "Na-miss ko 'to," bulalas nito at saglit nitong nakalimutan ang pagiging broken hearted nito. Agad na kumuha ng isang isaw si Theodoro na nakatusok sa stick at ibinigay niya ito sa kanyang kaibigan pero sumenyas sa kanya ang dalaga na gusto nitong subuan niya. "Broken hearted ka lang, hindi ka baldado," aniya sa pabirong sabi. Biglang napahikbi si Jackie Lou nang iyak na para bang batang inagawan ng candy ng kalaro nito kaya napataranta tuloy ang binata at pilit na pinapakalma nito ang kaibigan. "Sorry na. Tahan na," aniya habang hinahagud-hagod niya ang likod nito. "Nakalimutan ko na sana, ipinaalala mo pa," umiiyak nitong sabi saka lalo pa itong humagulhol ng iyak. "Tahan na. Sorry na nga," aniya. Imbes na tumigil na si Jackie Lou sa kaiiyak pero lalo lang itong humagulhol. "Tahan na. Aakalain nilang inaaway kita diyan," sabi uli ng binata pero lalo lang lumakas ang pag-iyak ng kanyang kaibigan na siyang umagaw sa atensyon ng mga taong nandu'n. Napalingon-lingon si Theodoro sa paligid at nakita niyang nakatuon sa kanila ang mga mata ng mga nandu'n kaya tuloy nakaramdam na ng kahihiyan ang binata. Agad siyang kumuha ng isaw saka niya ito inilapit sa bibig ng dalaga. "Heto na, tumigil ka na sa kaiiyak," aniya. "Susubuan mo ako?" umiiyak nitong tanong. "Oo na, susubuan na kita." Napataas ang kilay ni Theodoro nang biglang huminto sa kaiiyak ang kanyang kaibigan nang sabihin niyang susubuan niya ito. "Ahh," sabi ni Jackie Lou saka nito ibinuka ang bibig nito. "Dinadramahan mo lang ako kanina, ano?" tanong niya rito. "Sige na, subuan mo na ako," utos pa nito sa kanya at sabay naman silang napatingin sa tiyan ng dalaga nang bigla itong magreklamo. "Gutom na ako," naka-pout na pahayag ni Jackie Lou. Napangiti na lamang si Theodoro sa kanyang narinig kaya hindi na lamang siya nag-inarte pa. Sinubuan na niya ng hawak niyang isaw ang kaibigan na siyang nagpangiti rito. "College level ka naman, Jack. Bakit hindi mo subukang mag-apply nang di-opisinanh trabaho para naman hindi ka na magtiya-tiyaga diyan sa kakarampot mong sweldo?" suhestiyon ng Tita Cristy niya na ina ni Theodoro. Wala siyang trabaho nang araw na 'yon kaya naisipan niyang dalawin muna ang ina ng kanyang kaibigan habang si Theodoro naman ay absent muna sa pamamasada. "Natatakot po kasi ako, Tita. Baka hindi ako matanggap," sagot naman niya rito. Umupo sa tabi niya si Cristy habang nakasalampak sa sofa si Theodoro at nanonood ng t.v "Self-confident lang 'yan, anak. Kaya mo 'yan, isa pa wala namang mawawala sa'yo kung susubukan mo." "Eh, kasi Tita-----"Paano naman matatanggap 'yan, eh alam niyo naman na noon pa man, lampa na 'yan," agad na singit ni Theodoro sa iba pa sanang sasabihin ng kanyang kaibigan kaya naman ibinato sa kanya ni Jackie Lou ang unan na malapit dito. "Sira ka talaga kahit kailan," nakangusong pahayag ng dalaga. "Totoo kaya," giit pa ni Theodoro. "Theo naman," awat naman ni Cristy sa anak na siyang nagpatahimik dito. "Oh, pa'no? Tutulungan naman kita. Ang anak kasi ng kumare ko, nakapagsabi sa akin minsan na hiring daw ang kompanya na pinagtatrabahuan niya." "Ano namang position ang papasukan niya?" tanong ni Theodoro kahit pa nasa t.v nakatuon ang mga mata nito. "Promodiser," sagot naman ng ginang. "Kakayanin kaya niya 'yon?" may pagdududang tanong ni Theodoro saka niya tinapunan ng tingin ang kaibigan. "Wala ka talagang bilib sa'kin," saad ni Jackie Lou sabay ismid sa kanya. "Oh, ano? Payag ka ba?" tanong ni Cristy sa dalaga. "Eh, Tita. Magagawa ko kaya?" nag-aalinlangan niyang tanong. "Of course! Magagawa mo 'yan. Tiwala lang sa sarili ang kailangan mo." "Sige, Tita. Susubukan ko po." "Ganyan ang anak ko," proud na nasambit ni Cristy. "Anak daw?" alma naman ng binata. "Tita, oh. Naiinggit yata ang only son niyo," sumbong ni Jackie Lou. Napatawa na lamang ang ginang dahil hindi pa rin nagbabago ang dalawa sa mga kakulitan ng mga ito at botong-boto naman siya na magiging manugang ang dalaga dahil bukod sa kagandahang panlabas nitong taglay, masipag at mabait pa itong bata at alam niyang maswerte ang anak niyang si Theodoro kung si Jackie Lou ang mapapangasawa nito. Lumipas ang ilang araw, nagpatuloy pa rin ang buhay nilang lahat. Taga-hatid sundo na ni Jackie Lou ang kanyang kaibigan at masaya naman ang binata sa kanyang ginagawa dahil kahit sa ganu'ng paraan lang, maipadama niya sa dalaga kung gaano ito kahalaga sa kanya. Kung hindi man nito maramdaman ang lihim niyang pagtingin dito, at least naman mararamdaman nito na nandito lang siya kapag kailangan siya nito. "Good luck," nakangiting sabi ni Theodoro sa dalaga nang isang araw, hinatid niya ito sa isang Excel Marketing para sa interview nito para sa trabahong papasukin nito. Nag-absent pa ito para lang makadalo sa nasabing interview. Pagkakaba pa lang ni Jackie Lou sa tricycle ng binata ay agad siyang sinalubong ni Anna, ang anak ng kumare ng Tita Cristy niya at nagtatrabaho rin sa kompanyang iyon. "Hi," bati niya rito nang makalapit na ito sa kanila. "Glad you're here," nakangiti rin nitong salubong sa kanya. "Hi, Theo," baling nito sa binata at bahagya namang inilabas ni Theodoro ang kanyang ulo. "Hi," sagot din nito sabay ngiti. "Oh, ano? Ready ka na dahil magsisimula na ang interview in 30 minutes," baling ni Anna sa dalaga. Marahang tumangu-tango ang dalaga bilang pagsang-ayon kahit na ang totoo, kumakabog na ang kanyang puso. "Let's go. Let's get inside," aya ni Anna sa kanya saka nagpatiuna na ito sa paglalakad. Bago pa man siya sumunod kay Anna ay muli niyang binalingan ang kaibigan. "Salamat sa paghatid," aniya saka isang matamis na ngiti ang ibinigay niya rito. "Tawag ka lang kapag tapos ka na. Okay?" bilin ng binata sa kanya. Marahan siyang tumangu-tango saka nag-thumps up pa at agad na siyang tumalikod para pumasok na sa kompanya at habang naglalakad siya papasok ay itinaas niya ang kanyang kamay saka kumaway sa binata habang nakatalikod dito. Napangiti na lamang si Theodoro sa ginawa ng kanyang kaibigan. Lumipas man ang maraming taon, ganito pa rin ito. Hindi pa rin nagbabago at sana hindi na nga ito magbago pa. Matapos ang interview ay nakaraos na rin si Jackie Lou at dahil sa tulong ni Anna, natanggap siya na siya namang nagbigay sa kanya ng sobrang saya. Dapit-hapon na siya natapos dahil sa dinami-dami ba namang nag-apply para sa trabahong 'yon at sa awa ng Diyos, isa siya sa mga maswerteng tinanggap on the spot. "Congrats," nakangiting bati sa kanya ni Anna. "Salamat sa pagtulog mo. Kung hindi siguro dahil sa'yo, hindi ko alam kung matatanggap ba ako." "Haist! Ano ka ba? Wala ka talagang tiwala sa sarili mo. Matatanggap ka pa rin kahit na walang tulong galing sa akin. Sa ganda mong 'yan at sa talino mong taglay," pagpupuri pa nito sa kanya. "Salamat talaga," mapagkumbaba niyang sabi. "Oh, siya pasok na ako. Balik na ako sa trabaho," pagpaalam nito sa kanya pagkaraan. "Salamat," aniya. "Kita na lang tayo next day," sabi nito. "Okay," matipid niyang sagot. Ngumiti ito saka kumaway sa kanya at tuluyan na siya nitong iniwan.  Agad niyang kinuha ang kanyang phone saka niya tinext si Theodoro para ipaalam na tapos na siya sa kanyang interview. Napangiti siya nang agad namang nag-reply ang binata na on the way na ito. Napaharap siya sa kompanya at napatitig siya sa logo nito na may nakasulat na "EXCEL MARKETING". Hindi niya aakalaing makakapasok siya sa ganu'ng kompanya kahit na college level lang siya kaya ganu'n na lang talaga ang laki ng pasasalamat niya sa kumare ng Tita Cristy niya at sa anak nitong si Anna at para hindi mabigo ang mga ito sa ginawa nitong pagtulong sa kanya, gagawin niya ang lahat mapaayos lang ang kanyang trabaho at hindi niya mapahiya ang mga ito. Kaylaki ng kanyang ngiti nang makita na niya ang tricycle na minamaneho ni Theodoro na papalapit sa kanya. Sigurado siyang magtatanong talaga ito tungkol sa interview niya. She's planning to prank him! Pero ang ngiting nasa mga labi niya na halos umabot na sa kanyang tainga ay dahan-dahan na nawala nang may nakita siyang babaeng na nasa loob ng tricycle ng kanyang kaibigan at katabi pa nito. Nang makalapit na ito sa kanya ay dali-daling bumaba si Theodoro at agad siya nitong nilapitan. "Kumusta ang interview mo?" excited pa nitong tanong sa kanya. "O-okay lang," walang kabuhay-buhay na sagot niya saka pasimple niyang tinapunan ng tingin ang babaeng nasa likuran mg binata na sakay nito at ngayon ay bumaba at lumabas na ito sa tricycle. "Hi," nakangiting bati sa kanya ng babae nang lumapit ito sa kanila. "H-hi," ganti rin niya. Napatingin siya kay Theodoro na para bang humihingi siya ng paliwanag kung sino ang babaeng ito at kung bakit kasmay niya ito ngayon. "Ah, siya nga pala. Siya si Katrina," pagpapakilala ni Theodoro sa kanya. "Kath, siya si Jackie Lou ang kaibigan ko," baling naman nito sa babae nitong kasama. "Hi, Jack. Nice to meet you." Napatingin siya sa kamay nito na nakalahad sa kanyang harapan at magiliw naman niya itong tinanggap. "Hi, nice to meet you, too," nakangiti rin niyang sabi sabay abot sa kamay nitong nakalahad sa kanyang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD