"We will have our engagement party this coming weekend. Is it okay?" Naalala niyang tanong niya noon kay Jackie Lou nang mapansin niya ang pananahimik nito ng araw na 'yon. "Jack?" tawag pa niya noon sa nobya dahil pakiramdam niya, nakikipag-usap siya sa hangin at hindi sa dalaga. "Huh? Bakit?" "I said, we will have our engagement party this coming weekend. Are you okay? Are you not feeling well?" "Okay lang ako. Sorry, pagod lang siguro ako sa trabaho." "Nag-away ba kayo ni Jackie Lou, Theo?" Naalala niyang tanong niya kay Theodoro nang gabing inihatid nila si Jackie Lou sa bahay nito. "W-wala po, Sir. Bakit niyo naman natanong 'yon?" "You didn't talk to each other earlier kaya nakakapanibago." "Pagod lang siguro sa trabaho 'yon, Sir. Kapag ganu'n kasi, mas okay nang hayaan mu

