"I warned you already but you didn't listen to me and now what?!" galit na sumbat ni Julie sa kanyang binata nang gabing natagpuan niya si Reymart na sinusubukang lunurin ang sarili sa alak matapos ang hindi inaasahang eksenang nangyari sa engagement party nito sa loob ng kwarto nito. Hindi ito umimik bagkus nagpatuloy ito sa pagtungga sa hawak-hawak nitong alak. "You'd destroyed our reputation! You have disgraced our name to everyone!" muli pang bulyaw ng ginang na siyang lalong nagpainit sa ulo ng binata. Pagalit na ibinagsak niya ang basong hawak sa center table saka niya binalingan ang ina. "Mom, please. Leave me alone," mahinahon niyang pakiusap pero lalo lang din nainis ang ginang. "Ano, magpapakalasing ka dahil sa walang kwentang babaeng 'yon?!" Napapikit na lamang si Reymart

