Nang nakapasok na si Jackie Lou sa kanilang bahay ay napasandal na lamang si likod ng pintuan habang ang puso niya ay patuloy pa rin sa pagkabog. "Nak?" Napatingin siya sa kanyang ina na kalalabas lang mula sa kwarto ng mga ito. "Ma?" Agad siyang lumapit dito saka nagmano. "Sorry po, ngayon lang ako nakauwi," sabi niya rito. "Okay lang 'yon. Oh, nasaan na ang boss mo?" "Ah... u-umuwi na po. H-hindi na po siya tumuloy b-baka kasi n-natutulog na kayo," pagsisinungaling niya rito. "Oh, siya. Magbihis ka na para naman makapagpahinga ka na rin. May pasok ka pa bukas," litanya ng ginang saka ito muling pumasok sa kwarto nito pero bago pa man ito tuluyang nakapasok sa kwarto nito ay muli siya nitong nilingon. "Siyanga pala, nandito kanina si Theodoro. Sinundo ka para magsimba. Kawawa naman

