Maya
Napaupo ako sa sofa matapos maihatid ni Jherome. Nakaplaster pa rin sa mukha ko ang ngiti. Kung may makakakita lang sa'kin ay baka akalain nilang nasisiraan ako ng bait.
Hindi ko kasi mapigilan. Sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon.
At sa kabilang banda ay nakaramdam din ako ng takot. Takot baka sa sobrang kasiyahang nararamdaman ko ay kapalit naman nito ay sakit. Ganyan pa naman ang nangyayari kapag nakakaramdam ka ng sobrang kaligayahan.
Kaya dapat lubos-lubosin ko na 'to dahil hindi ko hawak ang maaaring mangyari sa hinaharap. Ang importante sa ngayon ay pareho kami ng nararamdaman ni Jherome.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad papasok sa kwarto. Hindi ko napansing nakatulog na pala ako sa sofa dahil sa pagod. Isinabit ko ang hawak na bag sa likod ng pinto nang makapasok. Pinindot ko na din ang switch ng ilaw bago naglakad sa may kabinet para kumuha ng damit pamalit. Nakapokus lang ang atensyon ko sa ginagawa kaya hindi ko napansin ang isang presensya sa likod.
Humarap ako sa gawi ng kama para sana ilapag ang hawak na damit nang mabitawan ko 'to. Gulat kong tiningnan ang taong nakahiga sa kama. Nakaharap ito sa gawi ko. Nakatagilid at nakapatong ang ulo sa kaliwang kamay. Sa kananng kamay naman ay may hawak na rosas. Ipinaikot-ikot at inaamoy.
Ang hood ng itim na jacket na suot ay nakataklob sa mukha't ulo. Ang parteng mata lang ang natatakpan ng tela kaya kita ko ang ilong at labi niya pero kahit ganun ay hindi ko parin makilala kung sino siya.
Nakangisi ito sa'kin. "Miss me, amore?" He said using his raspy voice.
"P-paano ka nakapasok?"
Hindi na dapat tanong 'yan dahil sa ilang beses ba naman niyang pabalik-balik na pagpuslit. Pero hindi ko padin mapigilan dahil sa gulat. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung paano niya nagagawa 'yon. Anong klase siyang tao? O kung tao ba talaga siya.
"Did you have fun?" Sa isang kisap mata ay natagpuan ko na lang siyang nakatayo sa harap ko. Namatay din ulit ang ilaw at tanging sinag lang ng buwan na lumulusot sa bintana ang nagbibigay liwanag sa paligid.
"P-paano-" Gulat na gulat ko siyang tiningnan. Hindi makapaniwala sa nakita.
Hinawakan niya ang pisngi ko at mabining hinaplos. Sa unang dampi ng kaniyang kamay ay nagbigay sa'kin ng kilabot. Paulit-ulit niyang hinaplos ang pisngi ko hanggang sa bumaba ang kamay niya sa leeg ko. Hinawakan niya ako doon na parang sinasakal.
"I am asking you. Did you have fun with your date?" Ulit niyang tanong. Hindi ko naman magawang sumagot dahil sa takot.
"Answer me!" Sigaw niya. Napaigtad ako at napapikit kasabay ng pangingilid ng luha.
"I'm angry, amore. I want to kill him." Mapanganib niyang bulong. Umiling-iling ako sakaniya. Ang takot ay mas domuble hindi lang para sa'kin kundi pati na din sa maari niyang gawin kay Jherome. Hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng luha.
"H-huwag, maawa ka..." Pakiusap ko sakaniya.
"Why would I? He dare to touch what is mine. Kaya dapat niyang pagbayaran!" Ang boses niya ay galit na galit. Napansin ko ding naglalabasan ang mga ugat niya sa leeg at ang panga ay nakatiim ng mariin. "Anong gusto mong unahin ko? Gusto mong unahin kong putulin ang kamay niya dahil sa paghawak sa'yo? O ang dila niya dahil sa pagsabi ng kung anu-ano? Choose, amore. Hmm?"
"On second thought, hindi mo na pala kailangang pumili. I will do the pleasure to choose. And I choose..." Umuklo siya sa'kin at bumulong. "...to kill him. What'd you think?"
Dahil sa ginawa niyang pagyuko ay nakita ko ang kaniyang mga mata. Sobrang pula ng kulay nito na parang dugo.
"Isa kang demonyo!" Sigaw ko at tinulak siya pero parang sa'kin lang nagkaroon ng epekto dahil para siyang pader na hindi ko maitulak.
"I am. Hahaha! F*ck I want to kiss you now." Tumawa siya na parang demonyo at bago ko pa siya mapigilan ay nilamukos na niya ako ng halik.
Nanlalaki ang matang pilit ko siyang tinutulak pero sobrang lakas niya. Nagsunod-sunod na ang patak ng luha ko lalo na nang maramdaman ko kung paano gumalaw ang labi at dila niya. Nagpupumilit na pasukin ang bibig ko.
Pinagbabayo ko na siya pero parang wala lang sakaniya at patuloy lamang sa pambababoy sa'kin. Initulak niya ako ng mahina paatras hanggang mapasandal ako sa pintuan ng kabinet. Ang kamay niya ay nagsimula ng maglakbay sa katawan ko. Sinubukan kung sumigaw pero natatakpan lamang ng kaniyang bibig.
"T-tama na-"
Ang bibig niya ay naglakbay pababa sa leeg ko.
"Please, huwag mong gawin sa'kin 'to! Ahh!"
Hindi ko maiwasan ang hindi mapasigaw nang marahas niyang hawakan ang kanang dibdib at himasin.
Patuloy lamang siya sakaniyang ginagawa at parang bingi sa pagmamakaawa ko.
Napatingala ako at tumingin sa taas. Paano nangyari sa'kin 'to? Parang kanina lang ay ang saya-saya ko. Ang bilis naman binawi.
Iyak lang ako ng iyak at nawawalan na ng pag-asa. Nabaling ang tingin ko sa gilid kung saan nakalagay ang lamesa. Nakita ko ang isang gunting. Itinaas ko ang kamay at pilit inabot ang gunting.
Malapit ko ng mahawakan ang gunting pero agad akong napatigil dahil hinawakan niya ang kamay ko. Kinabahan ako dahil akala ko nahuli niya akong inaabot ang gunting pero nang magpatuloy siya ay nakahinga ako ng maluwag. Humanap ako ng tiyempo at no'ng bitiwan niya ulit ang kamay ko ay ginamit ko 'yon para maabot ng tuluyan ang gunting.
Hinawakan ko ng mahigpit ang gunting at buong lakas kong isinaksak sakaniya. Paulit-ulit ko siyang sinaksak. Bawat saksak ay may pwersa. May halong galit at poot. Ang dugo niya ay tumatalsik sa mukha ko pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay ang saktan siya at makawala sa nakakadiring hawak niya. No'ng mabitiwan niya ako ay tumakbo na ako palabas. Madilim na ang paligid ng makalabas ako.
Kahit nanghihina dahil sa takot ay nagpatuloy ako sa pagtakbo. Sobrang dilim na halos wala na akong makitang bukas na ilaw. Lahat ng bahay ay nakasarado.
Nalaman kung hating gabi na dahil sa pagtunog ng maliit na kampana. Ito ang pinapatunog ng mga tanod palatandaan kung anong oras, bawat oras ay tumutunog ito.
Tumatakbo pa rin ako hanggang makarating sa kakahuyan. Wala na akong pakialam kahit ilang beses na akong nadadapa o nababangga sa mga sanga ng puno. Ang gusto ko lang ay ang makalayo dito. Makatakas sakaniya.
'Kailangan kung makatakas. Hindi niya ako pwedeng makuha.'
Lumingon ako sa likod ko habang patuloy parin sa pagtakbo. Nakita ko ang bulto ng isang lalaki sa malayo, nakapamulsa ito habang naglalakad. Hindi ko alam kung paano siya nakakapaglakad ng ganiyan. Parang hindi ko siya sinaksak ng ilang beses kung umasta.
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa hindi ko na makita ang lalaki. Ilang minuto na siguro ang nakakalipas at akala ko ay makakatakas na ako ngunit nagkamali ako dahil naramdaman ko nalang ang presensya niya sa likod ko.
Hinapit niya ako sa beywang bago niya hinawi ang buhok ko at ibinaon niya ang ulo niya sa leeg ko bago sininghot.
Kinilabutan ako ng maramdaman ko ang muling pagtama ng ilong at labi niya sa leeg ko. Hindi ko alam pero nanghihina ako sa hawak niya.
Patuloy pa ding nanginginig ang katawan ko at kung hindi lamang niya ako hawak ay tiyak nakasalampak na ako sa lupa.
"F*ck. You really smell so good, amore. " sabi niya habang inaamoy ang leeg ko. "But I'm not happy of what you've done to me earlier. But I must admit, seeing you stabbing me, you look so freaking hot that it's turn me on."
Pinadaananniya ng kanyang dila ang leeg ko at balikat na may kasamang pagsipsip na tiyak akong mag-iiwan ng marka kinabukasan. Naramdaman ko na naman ang pandidiri sa ginagawa niya. Mas nanginig ang katawan ko. Ang takot at pandidiri ay naghalo. Parang gusto kong masuka. Nakakadiri. Nandidiri ako sa hawak niya.
Ang bilis niya.
Hindi ko alam kung paano siya napunta sa likod ko pero isa lang ang sigurado ako, hindi siya tao, isa siyang halimaw.
"P-parang awa muna. Tigilan muna ako please, wala ka namang makukuha sa'kin. Hindi ako mayaman-"
"I don't need your money. I have those. All I need is your body, heart and blood. "
Umiling-iling ako sakaniya habang patuloy parin sa pag-iyak. Nakakatakot siya. 'Natatakot ako sakaniya.'
"Don't be scared. I'm not going to hurt you hmm." Hinaplos-haplos niya ang pisngi ko at ngumiti. "I just want a taste of your sweet blood." inilapit niya ang mukha niya sa'kin at doon ko naramdaman ang dalawang matulis na bagay na bumaon sa leeg ko. Napakapit ako sa braso niya dahil sa sakit ng pagkakabaon ng bagay na 'yon.
Sinungaling.
"You're mine. f*****g mine. Walang sino man ang makakakuha sa'yo mula sa'kin. Akin ka lang. Every inch of you is mine, Amore."
Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya dahil nandidilim na ang paningin ko pero bago ako mawalan ng malay ay naramdaman ko pang hinarap niya ako sakanya at hinalikan ako sa noo sabay haplos sa pisngi ko. Ngunit hindi 'yon ang mas nakakuha ng pansin ko, napatingin muli ako sa mapupula niyang mata.
Isa siyang bampira and I am his obsession. He's obsess with me at yan ang hindi ko matanggap. Bakit ako pa?
"Sleep now, Amore. "
Hinawakan niya ang talukap ng mata ko at hinaplos. Gusto kong pumiksi sa hawak niya pero hindi ko magawa dahil nanghihina ako. Madaming dugo ang ininom niya sakin kaya para akong lantang gulay. Paulit-ulit niyang hinaplos ang mata ko hanggang sa makaramdam ako ng antok at igupo ng kadiliman.