Maya
Nakatayo ako sa may bintana at pinagmamasdan ang mga sinampay kung damit. Nawawala na naman ang ibang panty ko.
Halos mag-iisang linggo simula ng magsimula ang ganitong pangyayari. Kada nagsasampay ako ng damit ay palaging may nawawala. At kadalasan ay ang mga panloob ko na damit ang siyang laging puntirya no’ng taong nangunguha ng damit ko. Napakunot-noo ako.
Kahit anong gawin ko, kahit sinasarado ko na ng mabuti ang mga pinto't-bintana ay nakakalusot parin ang taong 'yon.
Ilang beses ko na ding nireport to sa mga pulis pero wala naman silang ginagawang aksyon. Palagi lang nilang sinasabing pupuntahan nila 'tong bahay ko ngunit lumilipas lamang ang mga araw na hindi sila nagpupunta.
Kaya ako na lang ang gumawa ng paraan. Pinalagyan ko na nang mga CCTV ang buong bahay—na kahit wala na akong makain ay sinigurado ko paring makabili lang ng mga 'yon. Gusto kong malaman kung sino ang walanghiyang manyak na nangunguha ng panty ko.
Tumipa ang kamay ko sa lumang laptop ko at pinlay ang recorded video na kuha ng CCTV.
Habang pinagmamasdan ko ang video ay wala naman akong napapansing kakaiba. Ngunit no'ng nasa 3 minutes na ay nagulat ako dahil may biglang lalaking lumitaw. Bigla na lamang siyang lumitaw na parang nagteleport.
Kinusot-kusot ko ang mga mata ko, nagbabakasakaling namamalikmata lamang ako ngunit ilang beses ko ng pinlay kung kailan siya lumitaw ay ganoon padin.
'Paano nangyari 'yon?'
Naglakad-lakad ang taong ’yon sa loob ng bahay. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil nakasuot ito ng itim na jacket na may hood.
Naglakad ito papunta sa direksyon kung saan nakasampay ang mga damit. Hinaplos-haplos niya ang mga damit ko na parang namimili lang ng damit pero nang mapunta na sa mga panty ko ay tumigil ang kamay niya.
Kinuha niya mula sa pagkakaipit ang isang panty ko at dinala niya palapit sa mukha niya, tila inaamoy. Hindi ko maiwasan ang hindi mamula. Ang manyak naman ng taong to!
Naglakad ang lalaki papunta sa sofa habang inaamoy pa din ang panty ko at umupo. Ngunit mas nagulantang ako sa sunod niyang ginawa. Binuksan lang naman ng taong 'yon ang zipper niya at inilabas ang pagkalalaking galit na galit. Ibinalot niya ang panty ko do'n at itinaas baba.
"Ahh."
Umungol pa siya ng malakas at tumingin sa gawi ng CCTV. Na parang kabisado niya kung saan ito nakalagay.
Nanghihinang sinara ko ang laptop. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Para akong natrauma.
Pikit ang matang tinampal-tampal ko ang mukha ko nagbabakasakaling mawala sa isip ko ang imahe ng taong 'yon. Pero kahit anong gawin ko ay hindi parin mawala-wala ang imahe niyang nagsas*ls*l sa isipan ko.
Ngayon ko parang pinagsisisihang nagpalagay ako ng CCTV!
ᯓᯓᯓ
Naglalakad ako sa gilid ng kalsada papauwi dahil kakagaling ko lang bumili ng panghapunan nang may marinig akong sumigaw sa pangalan ko.
"Ate Maya!" Napatingin ako sa likod ko kung saan nanggaling ang sigaw. Nakita ko naman ang isang batang babaeng tumatakbo papunta saakin.
"Oh bakit Tinay?"
"Pinapabigay po." Sabi niya sabay abot saakin ng hawak niyang isang tangkay ng rose. Nagtatakang inabot ko naman ito.
"Kanino galing?"
"Kay kuya po."
"Huh? Sino?"
Tumingin ito sa pinanggalingan at may itinuro sa likod.
"Iyon po oh, yung kuyang nakajacket."
Tiningnan ko ang itinuro niya ngunit wala akong nakita kaya nagtataka akong tumingin ulit sakaniya.
"Hala! Ba't nawala si kuya? Nakatayo lang yun doon eh!"
"Pinagloloko mo lang yata ako Tinay."
Agad itong umiling. "Hindi po ate Maya, nandun po talaga si kuyang nakajacket pero bigla nalang nawala." Napakamot ito sa ulo. Kitang-kita ang pagtataka sa inosente niyang mukha.
Tumango na lang ako sa sinabi niya kahit pa nagtataka pa rin ako.
"Oo na, sige na umuwi kana sainyo at gabe na baka pagalitan ka ng mama mo."
"Sige po ate, ingat!"
Kinaway niya ang kamay niya at tumakbo na pauwi sa kabilang direksyon.
Tinanaw ko lang ng tingin si Tinay hanggang sa hindi ko na makita ang anino niya bago naglakad ulit. Tiningnan ko naman ang bulaklak na hawak ko. Ang pula. Hindi ko maiwasan ang hindi ito amuyin. At para akong hinahalina nang maamoy ko ang mabangong amoy ng bulaklak. Ang bango nito ay parang pumasok at dumaloy sa bawat himaymay ng katawan ko. Parang uminit ang pakiramdam ko at gumaan ang katawan na parang nakalutang sa ulap. Para akong nakasinghot ng druga dahil hindi ko magawang tigilan ang pag amoy nito. Ang bango, para akong naaadik.
'Hmm kanino kaya to galing?' Wala naman kasi akong manliligaw kaya nakapagtatakang may magbigay sa'kin ng bulaklak.
Ipinilig ko na lang ang ulo at pilit winala ang nararamdaman at nagpatuloy na sa paglalakad pauwi kahit parang nanlalambot ang mga tuhod.
Napabuga ako ng hangin ng makapasok sa bahay. Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa noo. Para akong tumakbo ng ilang milya kung pagpawisan na kung tutuosin ay isang minuto lang naman ang tinagal ng nilakad ko.
Nagpahinga muna ako saglit at noong um-okay na ang pakiramdam ay hinanda ko na ang biniling ulam at kumain.
At habang kumakain ay hindi ako mapakali. Para kasing may nakatingin sa akin.
Inilibot ko ang tingin sa kabuoan ng bahay at nang wala akong mapansing kakaiba ay nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.
Nang matapos kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko bago nag toothbrush. Sinarado ko na din ang mga bintana't pinto bago naglakad papunta sa kuwarto. Dinala ko din ang bulaklak sa kuwarto at inilapag sa may bedside table.
Bago matulog ay nagdasal muna ako at pagkatapos ay pinatay ko na ang ilaw at natulog.
Ilang oras na ang nakakalipas mula ng makatulog ako nang bigla akong magising dahil sa narinig na mga yapak.
Hindi ako nagmulat ng mata at pinakiramdaman lamang ang taong 'yon. Naramdaman ko siyang umupo sa gilid ng kama. Kahit nakapikit ang mata ay ramdam ko ang tingin niya sakin. Nakakapanghina ang bawat titig niya at malaki ang pasasalamat kong nakahiga ako dahil kung nakatayo ako ay tiyak akong napasalampak na ako sa sahig sa panghihina. Patuloy lamang siya sa pagmasid sakin ngunit maya-maya pa'y nawala ang pressure sa kutson na parang tumayo siya.
Nagpalakad-lakad siya sa loob ng kuwarto ko na parang may malalim na iniisip. Naririnig ko din ang malalim niyang paghinga at ang paminsang pagmumura na parang pinapagalitan ang sarili.
Ngunit maya-maya lang ay tumigil ito at naramdaman ko nalang ang mabibigat niyang hakbang palapit. Sumampa siya sa kama at kinubabawan ako.
Gulat na napamulat ako at sisigaw na sana subalit natakpan niya agad ang bibig ko gamit ang malaki niyang kamay kaya hindi nakawala ang sigaw ko.
"Shh." bulong niya.