Chapter 29: PUPUTULÍN KO ANG KAMAY MO, MARGARETTE!

1108 Words

MARGARETTE POV ‘Wag kang gumawa ng gulo rito, Dreydon!” awat ni Uncle Thomson nang dumating ito. “At ba’t hindi, Uncle? Nakikita n’yo naman kung anong ginagawa ng hayop n’yong anak, ‘di ba! Nanunulot ng asawa nang may asawa, at talagang kupal!” asik ni Dreydon dahilan upang hatakin siya ni Uncle Thomson palabas. “Gusto mo ng gulo, ‘di ba! Kaya rito ka manggulo, huwag sa loob dahil nakabubulahaw ka na, lalo na sa anak ko! At pasalamat ka dahil hindi kita pinadampot sa pulis kanina kahit kating–kating na ang kamay kong tawagan sila,” nanggigigil na sambit ni Uncle Thomson. “Ba't ‘di n'yo ginawa, kaysa naman sinusumbatan n'yo ‘ko. Kaya gusto n'yo na magpasalamat ako sa inyo, ha? Tsk! Pagsabihan n’yo ‘yang anak ninyong magaling, hindi ‘yong to the rescue siya– na nakabu–buwisét naman,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD