MARGARETTE POV “Ano ba ito? Ba’t bigla akong nakaramdam ng ganito?” mahinang tanong ko sa aking sarili ko at mabilis kong tinungo ang banyo at nagduwal ako rito sa lababo. Nangangasim ako na mapait ang panlasa ko. Pero dahil siguro ito sa masamang pakiramdam ko. Pero hindi naman ako naman ay nalilipasan ng gutom. Bala nagkataon lang ito siguro. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ko ang bibig ko nang pumasok ang dalawang babae. ‘Di ba siya ‘yong pinag–uusapan sa taas na kinaladkad raw ni Sir Dreydon?” saad ng nakakulay blue ng skirt. Kahit mahina ang boses nito’y rinig na rinig ko naman ang boses nito. “Oo, dahil nakita ko rin ‘yan, at naaktuhan ko pa mismo dahil palabas ako that time sa elevator at kunyari ay wala kaming nakita ng mga kasama ko. Alam mo naman si Sir Dreydon, ayaw n

