“Vince, ano ba! Malapit na si Dreydon,” kabadong sambit ko. “Just relax, okay dahil hindi naman ‘yan manggugulo,” pagpakakalma niya sa akin. “Anong relax? Hindi ako mare–relax dahil kilala ko ang Dreydon na ‘yan, kaya halika na,” gagad ko, kaya pati si Mrs. Deogracias ay nagtataka na rin. “May problema ba, Ms. Margarette? Ba’t narinig ko si pangalan ni Mr. Delgado sa ‘yo? Magkakilala ba kayo?” bulong na tanong nito. “O–Opo, Mrs. Deogracias. Pero makikiusap sana ako sa inyo na ‘wag n’yo sanang banggitin ang pangalan ko sa kanya dahil ayoko ho ng gulo, kaya puwede na ho ba kaming umalis ni Mr. Montelibano?” pakiusap ko. “Sige, at may daan sa likod, kaya roon na kayo dumaan palabas ng gate,” wika nito at tinungo na namin ang sinabi nito. “Maiwan ko na kayo, at salamat sa inyong dala

