MARGARETTE POV “Okay ka lang ba, Hija?” tanong sa akin ni nanay nang lumapit ito sa akin. Pinahid ko ang luha ko’t humarap ako. “A–Alam n’yong hindi, Inay. Pero anong magagawa ko kung si Diana pa rin ang gustong ipakilala ni Dreydon bilang kanyang asawa.” “Alam kong nasasaktan ka, Anak. Pero sabi ko naman sa ‘yo na nandito lang ako’t ako ang tanging magmamahal sa ‘yo ng totoo,” malungkot na saad ni inay at niyakap ako. “Gusto ko na hong umuwi. Doon na lang po ako sa bahay para hindi ko na marinig ang sasabihin pa ni Dreydon dahil lalo akong masasaktan,” garalgal na saad ko. “Hindi ka uuwi, Hija,” narinig kong pagpipigil sa akin ni Mama Dafne at nakita ko namang hinila ni Papa Lindon si Dreydon patungo sa likod, kaya naman sinundan ko ang mga ito. “You’re a dámn bullshít! At

