MARGARETTE POV “Huwag ka ng umiyak diyan at walang magagawa ‘yang iyak mo! Isipin mo na lang na nagpakatatanga ka sa akin dahil ginusto mo ‘yan. At maligo ka, mabuti pa at masahein mo ‘ko dahil masakit ang katawan ko sa pambubugbog ni papa, at kasalanan mo ‘to!” sigaw ni Dreydon sa akin. Pinahid ko naman ang luha ko’t dahil ako pa talaga sisisihin niya. Kasalanan ko ba na madatnan silang dalawa rito nina papa? “Ano ba, Margarette! Kikilos ka ba, O ako mismo magpaliligo sa ‘yo?” mariin pa na sambit ni Dreydon, kaya tinungo ko na ang kuwarto ko. Naghubad ako’t naligo na. At wala akong saplot na pumasok sa kuwarto ni Dreydon. Nakadapa siya, at wala rin siyang ni ano mang saplot sa katawan. Nakita ko ang pasa niya sa mukha dahilan upang makaramdam ako ng guilty. Sumampa na ‘ko sa

