MARGARETTE POV “Dámn, you’re so hot, Margarette,” nag—aalalang sambit ni Dreydon, at hinigpitan ang pagkayayakap sa akin. Gusto ko siyang itulak palayo sa akin, pero wala akong lakas na gawin ang bagay na ‘yon dahil nanghihina ako. Buong araw akong babad sa kusina, at samahan pa na apoy ang kalaban ko, kaya tiyak kong pasma ang aabutin ko nito. Muli bumaba si Dreydon, at kinuha ang gamit ko sa sasakyan ko. Agad siyang bumalik dito sa kotse, at pinaharurot niya ito. “Sa’n mo ‘ko dadalhin?” nahihirapang tanong ko. “Take it easy, okay,” tugon niya, kaya nagsalubong ang kilay ko. “Pa’no ako kakalma kung ‘’di ko alam kung saan mo ‘ko dadalhin,” gagad ko. Subalit hindi s’ya sumagot. At dahil nahihilo ako’y nakatulog ako’t hindi ko alam kung ano na’ng nangyari. DREYDON POV Inis

