“Tinatanong kita, Ms. Gonzalez, are you related to Ms. Susan Gonzalez?” muling tanong ni Sir Gustavo sa akin dahilan upang mapalunok ako. Pakiramdam ko’y na–hot seat ako. At baka kasi may nagawang kasalanan ang inay ko sa matandang ito noon, pero bahala na. “Um, na–nanay ko po, Sir,” nauutal na sambit ko. Lumunok pa ako nang ilang beses dahil nagsalubong ang kilay nito na parang hindi maniwala sa akin. “Okay,” walang ganang sagot nito, at naglakad na palayo sa akin. “Baka kilala ni Sir Gustavs ang nanay mo?” bulong sa akin ni Claire. Sasagot sana ako nang magsalita si Sir Gustavo. “Gusto kong magpasalamat sa lahat ng effort n’yong lahat para dahil pinaghandaan ninyo ang aking pag–uwi. Alam kong ang iba sa inyo ay hindi pa ‘ko kilala, pero ngayon ay magpakikilala na ‘ko. I am

