MARGARETTE POV “Ano, Margarette? Ano! Hindi ka makasagot, ha? Hindi ka makasagot dahil totoo sinasabi ko na anak ko si Colton at ‘hindi ka na makapagsisinungaling pa sa ‘kin!” gagad niya dahilan upang pagsasampalin ko siya dahil ang kapal ng mukha niya. “Napakawalang híya mo talaga na angkinin ang anak namin ni Vince, ano? Minsan mo pang gawin ang bagay na ‘yan ay hindi na talaga ako magdadalawang isip na ipakulong ka, Dreydon! At ‘wag na ‘wag ka nang lalapit pa sa akin, lalo na sa anak ko dahil baka hindi na kita matantiya,” asik ko’t inagaw ko ang aking bag at tinalikuran ko na siya. Kuyom na kuyom ang kamay ko dahil hindi talaga siya tumigil na gumawa ng paraan para malaman niya ang totoo. “Hindi nagsisinungaling ang DNA test, Margarette, at patutunayan ko ‘yon sa ‘yo,” pahabol ni

