MARGARETTE POV “Ba–Bakit? Ba–Ba’t tayo magdi–divorce? Hindi ba’t nangako tayo sa pari na magsasama tayo sa hirap at ginha— “What the shít did you say? Magsasama tayo sa hirap at ginhawa? f**k! In your dreams, Margarette, so get off at maaga kang umuwi mamaya,” matigas na sambit niya’t pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba naman ako, at pinaharurot niya ang kotse. Gusto niyang mag–divorce kami, pero para ano? Para magsasama na sila Diana? “Hindi! Hindi ako papayag,” wala sa sariling saad ko. “Kinakausap mo ba sarili mo, Margarette?” tanong ni Elsa nang lumapit ito sa akin. “A–A, hindi,” tipid na sagot ko. “Asawa mo ba naghatid sa ‘yo dahil kotse niya ‘yong nakita ko?” tanong pa nito. “Oo, Elsa. Um, sa loob na tayo para hindi tayo ma–late sa klase,” sambit ko. “Magbi–bake nga pala

