DREYDON POV “Sa anong numero ng VIP room nag–check in sina Mr. Montelibano, at Ms. Velasquez?” pagalit na tanong ko sa babaeng receptionist nang dumating ako rito sa Casas hotel, kaya naman nagsi–atras ang ilang staff dito. “My bad, Sir Delgado, dahil confidential po ‘yon at privacy ‘yon ng mag–asawa, unless na kayo ang totoong asawa ni Ms. Velasquez dahil may karapatan kayong malaman ang VIP room nila. Pero kung ‘di n’yo naman siya kaano–ano ay umalis na kayo dahil wala nang available na room dito,” maayos, ngunit maawtoridad na saad ng babaeng receptionist sa akin, kaya sa inis ko’y inilabas ko ang pitaka ko’t humugot ako ng libo–libong pera, at inilapag ko ito sa desk. “This is all yours, and fill me in kung anong VIP room naroon ang dalawang taong ‘yon,” matigas na wika ko. At

