“There you are, Asawa ko!” ngisi ni Dreydon dahilan upang magsitinginan ang mga pinsan ko sa akin. “Asawa? Asawa mo ang lalaking ‘yan, Margarette? Akala ba namin ay single ka?” takang tanong ni Maribel. “Um, nagbibiro lang ‘yan. Anak ‘yan ng amo namin ni nanay. Alam n’yo naman ang spoiled kahit matanda na,” pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung ba’t napadpad si Dreydon dito, at kung pa’no niya natunton ang lugar na ito. “Puwede bang iwanan n’yo muna kami,” pakiusap ko sa mga pinsan ko. “Tawagin mo lang kami, Margarette dahil isang battalion kami rito kapag saktan ka ng lalaking ‘yan dahil ‘di namin kilala. Tapos abugbog–berna pa hitsura,” komento ni Alex, at iniwan na kami ng mga ito, kasama si Maribel. “Let’s go home now, Margarette,” ani Dreydon nang lumapit siya sa akin. “Pa’

