“I repeat, Miss, can I dance with you?” muling ngiting tanong niya sa akin. At hindi talaga ako puwedeng magkamali na ito si Dreydon dahil plakadong–plakado ang hitsura niya kahit nakasuot pa siya ng maskara. At kilalang–kilala ko rin ang boses niya. Lumunok ako. “Yes, Man of their dreams.” “Man of their dreams?” Nakita ko ang pagngisi niya dahilan upang umiling ako. “How could you say that, Miss? Did you know me?” tanong pa ni Dreydon sa akin. “Nope. Pero alam kong guwapo ka kahit nakasuot ka ng maskara,” ngiti ko, pero todo–todo ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kinuha niya ang hawak kong alak at ininom ito. “So, shall we?” “Of course,” nakangiti pa rin na sagot ko. Inilahad niya ang kamay sa harapan ko, kya hindi ko alam kung tatanggapin ko ito. Pero kabastusan

