“Siya po ang mama ko, Sir,” turo sa akin ni Colton, dahilan upang mapalunok ako dahil matiim na tumingin sa akin si Dreydon. “Kaya di po ako nawawala dahil kami po may–ari ng restaurant na ito,” ngiti na pahayag pa ng anak ko. Mabilis naman akong lumapit sa mga ito, at ipinakita kong kalmado ako kahit ang totoo’y kabado ako. “Ikaw pala, Mr. Delgado. Ang aga mo naman dumating dito para makipag–business transaction sa aking ama,” ngiti ko sa kanya. Ngunit pinaglipat–lipat niya ang tingin sa amin ni Colton. “May problema ba, Mr. Delgado?” ngit na tanong ko pa. “Um, wala naman. So may anak pala kayo ni Mr. Montelibano,” matigas na sambit niya, subalit halata sa boses niya ang pagkadismaya. “Anak, laro ka na roon, at kausapin ko lang bisita natin, ha,” saad ko sa anak ko. “Sige po, Ma

