“Ba’t tinatanong n’yo po kung ilang taon na po ako? Kaedad ko po ba anak ninyo?” tanong ni Colton sa akin dahilan upang mapalunok ako. “Um, naitanong ko lang, Little Munchkin,” ngiti ko. “Bakit munchkin po, Sir? Hindi po ba pumpkin dahil boy ako,” saad nito, kaya nagkamot tuloy ako ng ulo ko. “Sorry at pinagbaligtaran ko. Sige na’t pumasok ka na sa loob. Saka ‘wag ka nang lumabas, ha,” muling ngiti ko. “Hindi na po ba kayo tutuloy para uminom po ng juice,” wika nito. “Hindi na, Pumpkin dahil katatapos ko lang. Pero sakaling may pumuntang tao rito sa inyo ay huwag mong kausapin, ha. Kasi maraming loko–loko ngayon,” pagbibilin ko. “Masusunod po, Sir,” tugon nito. “Huwag mo na lang akong tawaging sir, Pumpkin, kundi ay Tito Dreydon na lang. O, siya’t alis na ‘ko,” pahayag ko’t s

