DREYDON POV “Talagang hindi pa sapat dahil hindi naman nakita ni Margarette ang pagbabagong sinasabi mo. At kung talagang nagbago ka na, sana’y noon mo pa ‘yan ginawa, hindi ‘yong huli na ang lahat sa inyo,” panenermon ni papa sa akin. “No, Papa! Alam kong hindi pa ito ang huli dahil hindi pa sila kasal ng Montelibano na ‘yon, kaya may chance pa ‘ko’t gagawin ko ang lahat para bawiin siya,” maawtoridad na sambit ko. “Hayaan mo ng mamuhay si Margarette, Dreydon dahil masaya na s’ya ngayon sa lalaking deserve ng pagmamahal n’ya. At kasalanan mo naman dahil nagpaniwala ka sa malanding Diana na ‘yon. Hindi mo nakita ang sakripisyo ni Margarette noon dahil nakatuon lang ang pansi mo sa babeng ‘yon, pero anong iginanti niya sa ‘yo? Nabuntis siya na inakala mong sa ‘yo’t pinakasalan mo pa, p

