“Wala kang masisirang pamilya dahil biyudo na ‘ko. Wala kaming anak ni Nora, pero may step son ako sa kanya. Sa paghihintay ko kasi sa ‘yo ay tumanda na ‘ko, kaya fifty na ‘ko nag–asawa,” nagkakamot sa ulo na depensa ni itay, kaya hindi namin mapigilang matawa ni inay. “Um, upo na po tayo, Itay. At gawahan ko po kayo ng kape,” ngiti ko. Ibinaba ko ang aking bag sa upuhan, at tinungo ko ang kusina nang marinig ko ang tawahan ng mga ito na para lang silang teen ager. Totoo nga na kung talagang kayo para sa isa’t isa’y kayo talaga. Sumilip pa ‘ko sa mga ito, at ako pa ang kinilig dahil nakasandal si inay sa dibdib ni itay habang magkahawak sila ng kamay. “Kung hindi sana tayo nagkalayo’y hindi lang si Margarette ang anak natin. Kundi may Marjorie, Claudine, at Gretchen tayong anak,” n

