“At dapat lang talaga na marami kang kainin pra may ma–dedé ang baby,” ngiti niya’t tumingin siya sa anak ko. “Nadagdagan ang magtatanggol ulit sa ‘yo, Sweetie,” matamis na ngiti pa ni Vince sa akin. Ngumiti ako. “Yes, Vince.” “At ang guwapo niya, ha. Delgadong–delgado.” May panghihinayang sa boses niya. “Pero ako makikilala niyang ama dahil ako masisilayan n’ya. At ano nga palang balak mo? Hindi ba nagbago desisyon mo na hindi sabihin kay Dreydon ang tungkol sa bata?” tanong pa niya. “Walang nagbago sa desisyon ko, Vince. At hindi ko kailanman sasabihin na siya ang ama. Ngayon na nanganak na ‘ko’y magagawa ko na ang gusto ko’t hindi na ‘ko matatakot na harapin siya,” maawtoridad na pahayag ko. “Salamat naman kung gano’n, Sweetie. At marami mang pagsubok na dumaan sa buhay mo'y

