MARGARETTE POV “Kakasuhan naman kita kung gagawin mo ang bagay na ‘yan, Dreydon, at wala kang karapatang para mang–imbestiga,” may riing sambit ko dahilan upang ngumisi siya sa akin. “Ilang beses ko na bang narinig ‘yan sa ‘yo, Margarette. Hinihintay ko na lang kung kailan mo gagawin,” gagad n’ya. “Malapit ng mangyari, kaya maghintay ka,” asik ko. “Gawin mo na, at gagawin ko rin kung anong gusto ko nang magkaalaman na tayong dalawa,” maawtoridad na wika niya. Naikiuyom ko tuloy ang kamay ko dahil sa nararamdaman kong inis! Bahagya akong lumayo sa kanya, at ipinagpatuloy ko na ginagawa ko. Kung wala lang akong utang na loob sa kanya’y hindi naman ako pupunta rito. Kaso baka isumbat niya ang pagtulong niya sa akin. Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong–hininga, kaya naman nil

