“Gano’n ba? Oo nga dahil may nakita akong kotse no’ng lumabas ako. Sino raw ba hinahanap at napadpad pa talaga rito sa atin? Pero sabagay pala’y may nakita silang dilag, kaya rito sila tumigil,” nakangiti na wika ni Vince. Umiling ako’t naglakad ako palapit dito, at iniyakap ko dalawang braso ko sa baywang nito. “Bolero ka,” irap ko. Tumawa ito. “Anong bolero? Hindi ako bolero, Sweetie at alam mong totoo sinasabi ko.” Ipinaharap ako nito, at walang sabi–sabing siniil ako ng halik, at napansin ko ang pagdaan ng itim ng kotse at alam kong pag–aari ni Dreydon iyon. “Sa loob na tayo at mag–aalmusal pa tayo,” ngiti ko’t magkaakbay kaming pumasok sa loob. “Gawahan kita ng kape, at ‘ligo ka na,” saad nito sa akin. Ngumiti naman ako at bumalik ako sa kuwarto dahil nandito pa sila ina

