DREYDON POV KUNG hindi ko lang iniisip si Margarette ay nagpakita na ‘ko kanina kay Vince dahil gustong–gusto ko na talaga siyang mabawi sa paraang gusto ko, pero alam kong mahihirapan ako, lalo na’t padalos–dalos ako sa gusto kong gawin. “Planuhin mo, Dreydon, planuhin mo,” kastigo ko sa aking sarili. Subalit nag–init ang ulo ko nang makita kong hinalikan ni Vince si Margarette. Pero kung bababa ako’t susugurin ko sila ay trespassing ako. Ako lang dapat humahalik sa kanya! Kaya hindi puwedeng basta–basta na lang ako gagawa ng moves. Pinakalma ko na lang sarili ko dahil maba–badtrip lang ako. Ipadadala ko na lang sana itong toy car, pero dahil inihangin ang buhok ni Colton kagabi ay naisip kong magkita na lang kami para makakuha ako ng bagong buhok. Tinungo ko na ang mall, a

