MARGARETTE POV “Ba’t hindi po kayo makasagot, Mama? Si Daddy Dreydon po ba tunay kong papa dahil narinig ko po kayo kaninang nag–aaway,” umiiyak na tanong ni Colton, kaya napalunok ako. “Hindi, Anak. Si Papa Vince mo lang ang totoong papa mo, at baka mali ka lang pagkadidinig kanina,” maawtoridad na depensa ko. “Hindi po ako bingi, Mama. Dinig na dinig ko po talaga ‘yong pinag–aawayan n’yo ni Daddy Dreydon. At napaisip po ako habang buhat–buhta po ako ni Tito Jandi na kung talagang papa ko po si Papa Vince, ba’t hindi ko po ginagamit ang apelyido niya? Ba’t ang gamit ko po’y sa inyo?” sunod–sunod na tanong na naman nito. Lumunok ako. “Nasa ibang bansa that time si papa. Hindi naman agad siya makauwi dahil may trabaho siya roon. Kailangan ng pirma ng pangalan niya sa birth certific

