“Alam mo na kasing may period ka, naglakad ka pa,” dagdag pa niya. “Naka–panty liner ako, kaya malay ko ba,” gagad ko. “Oo nga, pero manipis lang ang panty–liner, kaya asahan mong tatagos talaga ang dugo,” segunda niya. Binuhay niya na ang makina, at inihinto niya ito sa pharmacy. “Stay here at bili ako ng napkin mo,” aniya, at bumaba na siya. Bumalik agad siya’t ibinigay ang ilang napkin, at inilgay ko naman ito sa loob ng bag ko. “Magkano ito at babayaran ko,” wika ko na ‘di tumitingin sa kanya. “Billions ‘yan,” tugon niya. “Tsk!” muling irap ko. “Nagtatanong ka’t sinagot ko lang, tapos magagalit ka. But let’s go to the mall,” saad pa niya. Hindi naman ako makatanggi dahil nga wala rin akong magagawa. Hindi naman ako puwedeng mag–commute pauwi na ganito ako. Kahiya sa pagsasa

