“Dalhin n’yo na ang mga ‘yan sa van,” utos pa ni Judo. At may tinawagan ito. “Okay na, Boss at hawak na namin si Ms. Velasquez, at ang anak niya,” muling imporma nito. “Good, at dalhin n’yo na sila rito,” pahayag ng kanilang boss at binabahan sila nito ng tawag. At sumakay na si Judo sa sinasakyan nilang van upang dalhin si Margarette at si Colton sa kanailng boss. SAMANTALANG hindi naman mapakali si Aling Susan, at si Mr. Velasquez dahil wala pa si Margarette, kaya nilapitan nila si Vince. “Tinawagan mo na ba si Margarette, Hijo? Aba’y anong oras na, pero wala pa rin silang mag–ina rito,” nag–aalalang wika ni Aling Susan. “Baka na–traffic lang sila sa daan, Mahal kong asawa, lalo na at weekend ngayon. Kaya relax ka lang at umupo ka muna roon para hindi masira ang beauty mo,” sa

