“Si Vince pa rin ang tatay ni Colton, Dreydon dahil siya ang kinagisnan niyang ama. Pero ikaw? Sa anong paraan ko ipaliliwanag na ikaw ang totoo niyang ama, kung pulos sama ng loob ang ibinigay mo sa akin noon. At anong isasagot mo sa kanya kapag nagtanong siya na ba’t ngayon lang niya nalaman na ikaw ang tatay niya? Sige nga, Dreydon, sige nga, para maintaindihan mo ‘yang sinasabi mo! Kaya huwag na huwag mong sasabihin kay Colton na ikaw ang totoong tatay niya kung ayaw mong magtampo siya sa ‘yo. At tandaan mong minsan mo nang hindi tinanggap ang panganay na anak natin, kaya huwag kang assuming na magugustuhan ka ni Colton,” matigas na saad ko. “Magugustuhan niya ‘ko dahil maganda ipinakikita ko sa kanya. At ikaw lang ang nagsasabing hindi niya ‘ko magugustuhan dahil nakakulong ka p

