MARGARETTE POV “I beg, Margarette, I beg,” garalgal na pakiusap ni Dreydon, at nagsimula na siyang umiyak. “Alam kong nasaktan kita ng husto, kaya gusto kong ituwid ang pagkamamali ko. At alam ko ring hindi pa huli ang lahat sa atin,” humihikbing saad pa niya sa akin. “Bitawan mo ‘ko, Dreydon! Bitawan mo ‘ko!” protesta ko’t inalis ko ang kamay niya sa baywang ko. “Hindi ako maaawa sa ‘yo dahil hindi ka rin naawa sa akin noon,” asik ko. Kitang–kita ko ang luha niya dahilan upang umiling ako. “Marunong pa lang umiuyak ang demonyó,” sarkastiko pa na saad ko. Tumayo siya’t pinahid ang luha niya. “Ito ako ngayon, Margarette, at ito nararamdaman ko.” “Talaga? Pa’no mo nasabi ‘yan, samantalang may Diana ka, ‘di ba? You chose her over me, but what’s going on with you, at para kang namalil

