“Kayo rin, maiinggit kayo sa amin ni Jasper,” wika nito, kaya naman natawa ako. “Pagbigyan na lang natin si Elsa, para tumigil na siya,” natatawa wika ni Lucas. Inalalayan ako nitong makatayo at inumpisahan na namin ang sayaw dahil pinahiram kami saglit ng speaker ni Elsa. At inumpisahan na naming umindak na dalawa. Now I've had the time of my life. No, I never felt like this before. Yes, I swear, it's the truth. And I owe it all to you. 'Cause I've had the time of my life. And I owe it all to you. “Ang ganda talaga ng tugtog, Lucas,” ngiti ko dahil maganda naman talaga, at nakagaganang sumayaw. “Yes, kasing ganda mo, Margarette,” tugon nito, kaya naman napailing na lang ako. Sumayaw na kaming dalawa at saglit kong kinalimutan ang problema ko kay Diana at Dreyon. “Feel the music,

