Gusto kong magsalita, pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil nakokonsensya ako sa sinasabi ni Diana. Pero ginusto ko ‘to, kaya tatanggapin ko na lang kung anong sasabihin nila sa akin. Hinawakan naman ni inay ang kamay ko, dahil alam nilang nasasaktan ako. “Alam kong ‘di ka okay, Anak. Nandito lang kami biyenan mo’t hindi ka namin pababayaan,” ani inay sa akin. “Sumama ka na sa pag–alis namin, Margarette,” saad ni Ma’am Dafne. “Mabuti pa, Mama para wala ng sagabal sa amin ni Diana rito,” ngisi naman ni Dreydon. Pero, matalim n’ya ‘kong pinukulan ng tingin. Kaya hindi ko alam kung gusto niya ba ‘kong umalis, o hindi. “Kung isasama namin si Margarette ay ‘di puwedeng tumira si Diana rito, Dreydon. Baka gusto mong kasuhan ka ni Margarette ng adultery,” mariin wika ni Ma’a

