Wala ang mag –asawang Delgado rito, at kasama nila ang bagong katulong, kaya nagkuwenuhan kami ni inay. “Kumusta naman ang lagay mo kasama si Dreydon, Hija?” tanong ni nanay sa akin. “O–Okay lang naan ho, ‘Nay,” ngiti ko. Subalit hinawakan ni inay ang pisngi ko. At sinipat noo ko. “Mainit ka. Masama ba pakiramdam mo?” “Medyo lang ho, pero mawawala rin ito maya–maya,”depensa ko. Naiinitan ako, kaya wala sa sariling inilislis ko ang manggas ng sleeves ko, dahilan upang magsalubong ang kilay ni inay. “Ano ‘tong pasa–pasa mo, Margarette?” matigas na tanong ni nanay sa akin nang makita nila ang pasa ko sa braso. “Alam n’yo naman po, ‘Nay na— ‘Wag kang magsisinungaling sa akin, Margarette dahil alam ko ang pasa, at sa kulang sa tulog lalo na at matanda ako. Magsabi ka ng totoo sa

